Dear Manay Gina,
Tatlong taon na kaming magnobyo ni ‘Ric.” Dati kaming magkaibigan na umibig sa isa’t isa. Ngayon, pakiramdam niya’y puwede na kaming magpakasal at bumuo ng pamilya. Pabor sa desisyong ito ang aking magulang at mga kaibigan. Ang pumipigil na lamang sa pagpayag ko ay ang pagbabaka-sakaling makatagpo pa ako ng mas ‘special’ na lalaki sa hinaharap.
Makalipas ang apat na taon sa kolehiyo at tatlong taon sa trabaho, naiisip kong kapag nag-asawa na ako ngayon, wala na akong chance na makatagpo ng iba pang mas special.
Maldita
Dear Maldita,
Many a perfect little black dress have been by-passed using your thinking. Kidding aside, dapat mong tandaan, na hindi mo puwedeng pakasalan ang lahat ng espesyal na lalaking makikilala mo.
Life is choices. Kapag nakakita ka na ng malinaw na tugon sa ‘yong mga pangarap, o isang tao na sumasalamin sa ‘yong panaginip, huwag mo nang bigyan ng puwang ang paghahanap pa sa isang special someone. Kapag natagpuan mo na ang man of your dreams, consider the search over.
Nagmamahal,
Manay Gina
“Affection is responsible for nine-tenths of whatever solid and durable happiness there is in our lives.” –C. S. Lewis
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia