ISINUSULONG ngayon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang paglikha ng isang uniform anti-drug advocacy program para sa mga lider ng Sangguniang Kabataan (SK) at kanilang mga sakop na kabataan.

Kilala bilang “Sangguniang Kabataan Standard Training in Extensive Anti-Drug Preventive Education – A Uniform Program for Youth Leaders (SK STEP-UP),” ang programa ay inaprubahan at inimplementa sa ilalim ng Dangerous Drugs Board (DDB) Board Regulation No. 5 Series of 2019 noong June 27, 2019.

“This paved the way to the guidelines institutionalizing a uniform preventive education program in anti-drug advocacy complementing the demand reduction campaign for the youth leaders in the community,” pagbabahagi ni Aquino sa 8,000 kabataang lider sa ginanap kamakailan na SK Summit sa Bren Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga.

Nakadisenyo ang SK STEP-UP bilang isang supervisory level preventive education training program na layong mapalakas ang mga lider kabataan at mga SK na maging Certified Anti-Drug Advocates bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan upang mapababa ang bilang ng drug demand at magsugpo ang ugat nito.

Ang mga lider na kabataan ng mga komunidad, partikular ang mga SK officials, ang naatangan ng responsibilidad na magsagawa ng mga prevention activities at bumuo ng mga anti-drug events sa kanilang mga barangay, upang mapalakas ang maisulong sa kanilang mga kaedad ang pag-iwas sa ilegal na droga.

May tatlong bahagi ang SK STEP-UP ang: Youth Camp; Trainer’s Training for the Youth Leaders; and Ground Implementation, Monitoring, and Evaluation.

PNA