NAGKALOOB ang Philippine Racing Commission ng kabuuang P3,340,000 sa iba’t ibang charities at lugar na sinalanta ng sakuna simula ng 2016 sa pamamagitan ng mga charity races nito.

“As a loyal servant under the Office of the President, the Philracom aids and supports President Rodrigo Duterte’s various social responsibilities,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “Helping our fellow Filipinos is part of our duty of giving back to the community.”
Kamakailan, ang mga nakatanggap ng benepisyo ay ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal, sa pamamagitan ng charity race sa San Lazaro Leisure Park na pinamunuan ng De La Salle Lipa Class 1970 Association.
Sa araw ng Pebrero 2, dalawa pang charity races ang isinagawa sa Manila Jockey Club na karerahan, na tumulong sa mga biktima ng bagyong Ursula sa Munisipalidad ng Bulalacao Oriental Mindoro (Rotary Club of Calapan Volunteer Group, Inc.) at naglikom ng pondo sa pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad (Philippine Red Cross-Manila Chapter).
Noong Agosto 25, 2019, nagsagawa ang Philracom ng mga charity races para sa mga biktima ng lindol sa Batanes at Northern Mindanao, tumulong sa pagbigigay ng santuario para sa mga walang tahanan at may sakit na naninirahan sa kalye, at namahagi ng pondo para sa pag-aaral ng nga batang ang mga magulang ay nakakulong, sa pamamagitan ng Probinsiya ng Basco, Batanes, Rotary Club of Manila Bay, AJ Kalinga Foundation at Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc.
Noong 2017, sa ilalim ng Opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nagsagawa ang Philracom ng anim na charity races sa San Lazaro Leisure Park, Saddle and Clubs Leisure Park at sa Metro Manila Turf Club in Malvar, Batangas para sa rehabilitation ng Marawi City.
“The call for humanitarian action is resounding in the face of the Marawi City crisis – displaced families, injured and dead civilians and soldiers and damaged properties,” sambit ni Sanchez.
“As a response to the devastating conditions created by the crisis in Marawi City, the Commission deemed it necessary, reasonable and desirable to sponsor charity races for the benefit of victims of the crisis in Marawi City.”
Noong Pebrero 25, 2016, nakipagtulungan ang Philracom sa Munisipalidad ng Baco, Oriental Mindoro para makapaglikom ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Nona sa mga karerang isinagawa sa Saddle and Clubs in Naic, Cavite.
Lahat ng charity races ay itinakbo ayon sa Rating-Based Handicapping System ng Philracom, mula sa alituntunin ng International Federation of Horseracing Authorities, kung saan ang commission ay miyembro na ngayon.