Sa kanyang latest post sa Instgram (IG) na may kinaalaman sa franchise issue ng ABS-CBN, kasama ni Angel Locsin ang mga empleyado ng network, ang mga mawawalan ng trabaho kapag napasara ang Kapamilya Network.

IMG_2222

Post ni Angel: “Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc... Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network. KAMIpo ang ABS-CBN. Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. Ihave listened and known their stories--- kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nakasakit...lahat pinagpapaguran para pos a pamilya nila.

“Imay have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and Iwill stand by them. Mahal ko sila at hindi poi to drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito. Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. ABS-CBN team behind the set. #NoToABSCBNShutDown.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isa sa nag-react sa post ni Angel ang fiance niyang si Neil Arce by posting the emoji of clinched fist na ibig sabihin, laban.

Muli, pinuri ng netizens ang post na ito ni Angel na lagi raw nasa tamang punto, kagaya ng una niyang post.

-NITZ MIRALLES