Unanimouschoice nina Olive Lamasan, managing director for film, at resident director Lauren Dyogi si Jane De Leon as the newest Darna nang umatras si Liza Soberano due to health reason. Sa mga motoristang nakita ang kanyang larawan sa giant billboards ay iisa ang tanong...sino siya?

jANE

Matagal na sa showbiz si Jane Florence Benitez De Leon at maraming krisis sa buhay. Mula nang yumao ang kanyang ama ay si Jane ang naging breadwinner. Sa kabila ng kahirapan ay hindi nawala ang tiwala sa Diyos.

Naging member siya ng Girltrends, a female dance group ng ABS-CBN’s noontime variety show na It’s Showtime. Lumabas siya sa beat roles sa Ex With Benefits at Be Careful With My Heart. Ngunit napansin siya nang husto sa TV seryeng Halik bilang kapatid ni Jericho Rosales.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mahirap ang naging training ni Jane para sa stunt routines needed para sa Darna movie. Nag-fitting na rin siya for the costume.

Ang panalangin ng marami na sana ay malagpasan ang gusot na kinakaharap ng ABS-CBNna may kinalaman sa renewal franchice. Otherwise baka hindi na tuluyang makalipad si Darna na biggest break pa naman ni Jane.

-REMY UMEREZ