KAHAPON, Enero 22 nagdiwang ang StarStruck 6 Ultimate Male winner in 2015, Migo Adecer and his non-showbiz girlfriend, Katrina Mercado, ng kanilang first anniversary as sweethearts. Post ni Migo sa kanyang Instagram wall @ migo.adecer Despite our crazy schedules I’m so happy that you and I were able to celebrate our 1 year anniversary. This time last year I made a decision that has been giving me contagious happiness, strength, life lessons, & wonderful surprises with each day that goes by. LDR (long distance relationship) isn’t easy, but good things aren’t built nor acquired overnight. And building this relationship with you gives me so much joy, every minute of it. Thank you for constantly coming over when you can. I’m the best version of me when we’re together, you just have a way of bringing it out! 8,760 hours with you can’t wait to clock in much much more. Happy anniversary Kat! I love you.
Sa mediacon ng bagong teleserye ni Migo, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, natanong si Migo bakit naging open na siyang ipakilala ang kanyang girlfriend? Dati kasi kapag tinanong mo siya kung mga gf na siya, sasabihin niya wala pa. But last year, 2019, ipinakilala na niya sa kanyang Instagram post ang photo nila ni Katrina, iyon ay pagkatapos niyang gawin ang epic serye nilang Sahaya with Bianca Umali at Miguel Tanfelix na sabi ay nanliligaw daw siya kay Bianca?
“Pagod na akong magtago,” nakangiting sagot ni Migo. “Dati kasi binabawalan ako, pero mas mabuti na wala akong itinatago, kaya ipinakilala ko na si Kat. Doon ako masaya, hindi siya sanay na magulo.”
Sa bagong teleserye, dalawa ang leading ladies ni Migo, sina Barbie Forteza at Kate Valdez.
“Nagulat nga ako nang malaman kong isa sa magiging partner ko si Barbie. Hindi ko kasi siya kilala personally, ‘hi!’ ‘hello’ lamang kami kung magbatian. Si Kate, nakakasama ko na sa Studio 7 last year, kaya kilala ko na siya. Looking forward working with Barbie, I will work with new friends. Here, I will play the role of Cocoy, a charming city boy na mami-meet nina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate).”
Last year, nagkaroon ng hindi magandang experience si Migo, ano ang itinuro sa kanya noon?
“Siguro, noon nabuo ang maturity ko, kaya I learn, repeat, I learn from my experience, at hindi ko na uulitin iyon.”
Bukod sa “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday,” na magsisimula na sa Monday, January 27, after 24 Oras sa primetime telebabad, mapapanood din si Migo every Sunday sa noontime show na All-Out Sunday.
-NORA V. CALDERON