LAMAN na naman sa lahat ng balita si Angel Locsin dahil sa tweet niya nu’ng Enero 13, “Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay? Thank you.”

ANGEL LOCSIN

Kaagad na kumalat sa social media ang tweet na ito ng aktres at ng malaman na niya ay kaagad na siyang nag-prepare kasama ang mga kaibigan at kasama sa bahay na mag-repack ng mga ipapamahagi sa mga biktima ng Bulkang Taal na hindi na namin iisa-isahin kung anu-ano ito pero sigurado kami na kumpleto ito kasama na ang sako-sakong bigas.

Na-check namin sa FB page ni Angel na as of 5:45AM kahapon ay nagre-repack ang aktres at nasa likod niya ang alagang si Pwet Pwet (toy poodle) na hindi talaga umaalis sa tabi ng mama dahil tabi silang matulog.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kinunan ng video ang netizen ang aktres na maaga palang ay nakarating na siya sa may tent kung saan naglatag ang ilang kababayan natin ng karton at lona dahil lupa ang tinatapakan nila. Nakakatuwa ang mga dinalaw ni Angel dahil kitang-kitang sobrang saya nila at talagang panay ang kuha nila ng video at ‘yung iba ang nagpa-picture pa.

Samantala, nahingan ng komento si Angel tungkol sa pagkakasama niya sa listahan ng Forbes Asia Magazine bilang isa sa annual Heroes of Philanthropy at kahanay niya ang mga kilalang bilyonaryo, at entrepreneur across the Pacific.

Sa pagkakaalam namin ay matagal nang hinihingan ng pahayag ang aktres tungkol dito pero hindi siya sumasagot at nataong nasa ibang bansa siya nang lumabas ang isyu. Wala namang pagkakataong makita si Angel sa anumang showbiz events dahil wala siyang pino-promote ngayon bukod pa sa inaasikaso naman nila ng fiancé niyang si Neil Arce ang nalalapit nilang kasal ngayong taon.

At kahapon ay na-post na may nagtanong sa kanya, “nahihiya talaga akong pag-usapan ang mga ganu’n bagay katulad nga nu’ng na-tweet ko, of course gusto kong i-acknowledge kasi Forbes Asia. Napaka-surreal ng pakiramdam talaga na mapabilang ka at makatabi ng mga naglalakihang mga tao, pero nakakalungkot kasi napabilang ka ro’n kasi naalala ko kung bakit ka nandoon (listahan) kasi may mga taong nag-suffer, may mga nasalanta, may mga namatay, nakakalungkot. Naiisip ko na lang na… basta ayaw ko talaga pag-usapan sa totoo lang. Inisip ko na lang na isa itong paraan para makapag-inspire pa ng mga kabataan at ng mga nakapanood at tumulong din at wala kayong dapat hintayin na oras. Kapay may nangangailangan, wala nang tanung-tanong, tulungan sana.”

Ang fulfillment na nararamdaman ni Angel kapag nakakatulong siya, “sa totoo lang kapag nakikita mo ‘yung kaligayahan ng taong natulungan mo, siguro triple ‘yung kaligayahang mararamdaman mo. Mas better na ‘yung ikaw ang tumutulong kaysa ‘yung ikaw ang mapunta sa sitwasyon nila, mas marami kang ipagpapasalamat, lalo na ‘yung walang kapalit. ‘Yung tumulong ka ng walang kapalit.”

Nabanggit din ng aktres na apat na tao lang silang magkakasamang gumagawa nito for security reasons at higit sa lahat ayaw niya sana itong ipinaalam dahil nagmumukhang fans day.

Mabuhay ka Angel!

-REGGEE BONOAN