CHICAGO — Bumawi sa malamyang laro may dalawang araw ang nakalipas si Jayson Tatum, sapat para malusutan ng Boston Celtics ang Chicago Bulls, 111-104, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

KINUWELYUHAN ni Washington Wizards guard Isaiah Thomas si referee Marat Kogut nang hindi magustuhan anh naging tawag nito sa pakikipag-agawa sa bola kay Portland Trail Blazers forward Carmelo Anthony s aisang tagpo ng kanilang laro. Pinagmulta si Thomas ng US$25,000sa kanyang aksiyon. (AP)

KINUWELYUHAN ni Washington Wizards guard Isaiah Thomas si referee Marat Kogut nang hindi magustuhan anh naging tawag nito sa pakikipag-agawa sa bola kay Portland Trail Blazers forward Carmelo Anthony s aisang tagpo ng kanilang laro. Pinagmulta si Thomas ng US$25,000sa kanyang aksiyon. (AP)

Nagsalansan si Tatum ng 28 puntos, habang kumana si Gordon Hayward ng 24 puntos para sa ikawalong panalo sa huling siyam na laro ng Atlantic Division leader.

“That’s the good thing about this league,” pahayag ni Tatum. “If you play good or play bad, you need to forget about the last one.”

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nag-ambag si Jaylen Brown ng 19 puntos, habang tumipa si Enes Kanter ng 17 puntos at 12 rebounds. Naisalba ng Boston ang 20 turnoverspara makaabante sa kabila ng patuloy na pagkawala ng may karamdaman na si Kemba Walker.

Nanguna si Zach LaVine sa Chicago na may 35 puntos, tampok ang limang three-pointer, habang kumana si Lauri Markkanen ng 15 puntos para sa ika-apat na kabiguan sa huling limang laro ng Bulls.

GRIZZLIES 140, CLIPPERS 114

Sa Los Angeles, ginapi ng Memphis Grizzlies, sa pangunguna ni Jae Crowder na may 27 puntos, ang Los Angeles Clippers.

Kumikig din si Jaren Jackson Jr. ng 24 puntos, habang kumana sina Ja Morant at Dillon Brooks ng tig-22 puntos para sandigan ang Memphis sa 7-10 karta sa road game nagyong season.

Nanguna si Montrezl Harrell sa Clippers na may 28 puntos, habang kumubra sina Kawhi Leonard at Lou Williams ng tig-24 puntos. Hindi nakalaro si George na sumasailim sa pagsusuri matapos magtamo ng ‘hamstring tightness’ sa nakalipas na laro ng Los Angeles.

Umabante ang Grizzlies sa pinakamalaking 18 puntos na bentahe, tampok ang 16-2 run na kinabibilangan ng apat na three-pointer.

Natuldukan ang two-game winning streak ng Clippers. Hindi pa nila naitatala ang tatlong sunod na panalo mula noong Dec. 9-13.

BUCKS 127, SPURS 118

Sa Milwaukee, humirit si Giannis Antetokounmpo sa natipang 32 puntos para sandigan ang NBA-leading Milwaukee Bucks kontra San Antonio Spurs.

Umarya ang Bucks sa 32-5 tampok ang limang sunod na panalo mula nang mabigo sa Philadelphia sa araw ng Pasko. Nag-ambag si Eric Bledsoe ng 21 puntos.

Hataw si DeMar DeRozan sa Spurs na may 26 puntos, habang tumipa si LaMarcus Aldridge ng 16 puntos at tumipa si Rudy Gay ng 15 puntos at walong rebounds.

Naisalpak ni Ersan Ilyasova ang buzzer-beating 3-pointer sa pagtatapos ng third quarter para mahila ng Milwaukee ang pinakamalaking bentahe sa 103-91. Nag-ambag si Khris Middleton ng 20 puntos at tumipa si backup center Robin Lopez ng 14 puntos.

PISTONS 111, WARRIORS 104

Sa San Francisco, nanaig ang Detroits Pistons sa Golden State Warriors sa duwelo nang kapwa naghahabol na koponan.

Ratsada sina Andre Drummond sa natipang 14 puntos at 18 rebounds at Derrick Rose na may 22 puntos mula sa bench para putulin ang three-game losing skid.

Kumana si reserve guard Alec Burks ng 27 puntos, pitong rebounds at limang assists para sa Golden State. Napatalsik sa laro si Draymond Green may 4:57 ang nalalabi sa third period.

Thomas, pinagmulta ng US$25,00

Sa New York, Pinatawan ng US$25,000 multa ng NBA si Washington Wizards guard Isaiah Thomas nitong Sabado (Linggo sa Manila) bunsod nang sadyang pagbunggo sa referee sa 122-103 kabiguan sa Portland Trail Blazerz nitong Biyernes.

Nakipagbuno sa bola si Thomas kay Portland’s Carmelo Anthony. Sa pagawat ng mga opisyal, banas na sinalya ni Thomas si referee Marat Kogut, dahilan ng pagtumba nito sa crowd sa sideline.

Naunang pinatawan ng dalawang larong suspension si Thomas nang komprontahin sa gallery ang dalawang fans habang timeout sa laro laban sa Philadelphia nitong Dec. 21.