BALIK ensayo ang Pilipinong atleta mula sa mahabang panahon ng pagdiriwang ng Pasko ang Bagong Taon.

Matapos ang ‘well deserved’ na bakasyon kapiling ang kanilang mga pamilya, higit yaong mga nakabase sa Manila, matapos ang matagumpay na kampanya sa 30th Southeast Asian Games, balik sa paghahanda ang mga atleta, higit pang may mag lalahukan panbg Olympic qualifying.

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Agosto sa Japan, habang ang 2021 SEA Games ay sa Nobyembre.

Bagama’t una nang nakakuha ng tiket sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast na si Caloy Yulo para sa 2020 Tokyo Olympics, sisiskpain naman ni 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist na si Hidilyn diaz na makasikwat din ng tiket para dito.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sasabak sa isang Olympic qualifier ngayong Enero 27 hanggang 31 si Diaz sa Roma 2020 World Cup para sa weigthlifting, kasama ang isa pang Olympian na si Nestor Colonia, gayundin sina Kristel Macrohon at Elreen Ando.

Kasunod nito, lalaban din para sa huling Olympic qualifier ang mga nabanggit na atleta sa 2020 Asian Weightlifting Championships na gaganapin sa Nur-Sultan, Kazakhstan, sa darating na Abril 20 hanggang 25.

Makakasama din sa nasabing kompetisyon sina Maryflor Diaz, John Ceniza at Jeffrey Garcia.

Sa athletics naman ay sisikapin ng sprinter na si Kristina Knott, na makasama kay Obiena sa Olimpiyada sa kanyang pagsabak para sa isang pa ring Olympic qualifier na Asian Athletics Indoor Championships na gaganapin sa Hangzhou China ngayong Pebrero 12 hanggang 13.

Bukod kay Knott na nakasungkit ng gintong medalya sa women’s 200 meters sa katatapos na 30th SEA Games, ay susubok din ng kanilang swerte sina lady pole vaulter Natalie Uy at ang bagong marathon queen na si Crhistine Hallasgo.

Ang mga world champions naman sa boxing na sina Nesthy Petecio at Eumir Marcial ay lalahok sa din sa Asia-Oceania Olympic qualifying meet na nakatakda naman sa Pebrero 3 hanggang 14 sa Wuhan, China, na agad naman susundan ng world Olympic qualifying tournament sa Mayo 13-14 sa Paris.

Ang skateboard athletes na sina Margielyn Didal at Kiko Francisco ay sisikapin na mapa-angat ang kanilang rankings para makakuha ng tiket sa nasabing Olimpiyada kung saan sasabak sila sa World Skate Lima Open sa Marso 16 hanggang 22 kasunod ang World Championships sa London na magaganap naman sa Mayo 19 hanggang 24.

Ilan pa sa mga Pinoy athletes na nag-aasam ng tiket sa Olimpiyada ay sina ang golfers na si 2018 Asian Games gold medalist Yuka Saso pati na sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan.

Sa karatedo naman sisikapin din nina Joane Orbon, Junna Tsukii, Sharif Afif at Jamie Lim na makasama sa 2020 Tokyo Olympics, gayundin ang juduoka na si Kiyomi Watanabe.

Ang BMX rider na si Daniel Caluag ay may tsansa din na makakuha ng tiket para sa nasabing kompetisyon gayundin ang mga swimmers na sina James Deiparine at Remedy Rule.

Buhos naman ang suportang ipapamalas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga atletang sasabak sa Olimpiyada, kung saan una nanag ipinahayag ni chairman William “Butch” Ramirez na maglalaan ng kabuuang P100 milyon ang pamahalaan para sa preparasyon ng mga atleta.

-Annie Abad