HINDI pa rin pahuhuli ang gilas ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa mata ng international boxing community.

Kabilang ang fighting Senator sa mga pinagpipilian para sa 2019 Yahoo Sports Male Boxer of the Year.

Sa kanyang pagbabalik aksiyon, nasilayan ng buong mundo ang lupit ng kanyang kamao at bilis na nagpatanyag sa kanya sa sports na dating dominant eng mga American at heavyweight boxers.

Sinimulan ni Pacquiao ang taong 2019 nang dominahon si Adrien Broner sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada para maipagtanggol ang kanyang World Boxing Association (WBA) regular welterweight belt.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kanyang unanimous decision win, hindi nakuntento si Pacman.

Makalipas ang anim na buwan, sumabak muli si Pacquiao sa Las Vegas at pinatumba ang dating walang talong si American fighter Keith Thurman.

Ramdam na ramdam ang lakas ng kamao ni Pacquiao nang dungisan nito ang record ni Thurman sa pamamagitan ng split decision win para maagaw ang WBA super welterweight belt.

Ang panalo ni Pacquiao kina Broner at Thurman ang lalong nagpalakas sa tsansang muling makaharap si undefeated Floyd Mayweather Jr, -- ang dalawa sa pinakamatikas na fighters sa kanilang henerasyon.

May mga usap-usapan na para sa katuparan ng inaasam na kasaysayan, ngunit sae dad na 40-anyos tila kulang na ang oras kung magaatubili ang magkabilang kampo.

Kandidato rin sa 2019 Yahoo Sports Male Boxer of the Year award sina junior welterweight king Josh Taylor, unified welterweight champion Errol Spence Jr., light heavyweight champion Canelo Alvarez at Naoya Inoue na pare-parehong may matitikas na panalong naitala sa taong ito.