MAY dalawang international tournament pang lalahukan si Hidilyn Diaz upang maselyuhan ang inaasama na muling makabalik sa Olympic stage.

Sa kasalukuyan nasa No.5 ng world ranking sa kanyang kategorya ang 2016 Rio Olympics silver medalists at kung hindi ito maapektuhan sa mga nakatakdang qualifying meet, makasisiguro ang pambato ng Zamboanga ng slots para sa 2020 Tokyo Games.

Batay sa Olympic rules, ang top 8 sa kani-kanilang kategorya ang makalalahok sa quadrennial Games.

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, hindi biro ang pagdaraanan ng Pinoy lifters para makahirit ng tiket sa Olympics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kailangang sumabak si Diaz sa anuman sa anim na qualifiying events.

May apat na events nang nalahukan si Diaz at umaasa ang Pinay lifter na maisasalba niya ang nalalabing tsanya at patunay ang matika sniyang kampanya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games kung saan nakamit niya nang unang career gold medal sa biennila meet.

Kaya naman umaasa sina Diaz at Nestor Colonia na magiging maganda ang kanilang laban sa huling dalawang torneo para mapalakas ang kanilang tsansa sa Tokyo Games.

Kaagad na nagbalik sa ensayo ang dalawa para paghandaan ang torneo sa Italy sa Enero at Kazakhstan sa Abril.

“Walang bakasyon, kailangan maging handa. Sanay na naman tayo sa sakripisyo,” pahayag ni Diaz.

-Annie Abad