HINDI pa man sila iniiwan ng kanilang Nigerian slotman na si Bright Akhuettie, naghahanda na ang University of the Philippines sa nakatakdang paglisan nito.

Ayon sa ilang mga insiders, lilipat ng sa UP si Centro Escolar University big man Malick Diouf bilang kapalit ni Bright.

Ang nasabing paglipat ay may basbas umano ng pamunuan ng CEU at mga team.officials ng Scorpions.

Sa kanyang paglipat, ang 20 anyos na si Diouf ay kinakailangang mag serve ng isang taong residency bago makapaglaro sa susunod na season kung kelan tapos na ang playing years ni Akhuettie sa UAAP.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sa stint nya sa Scorpions, nagawa ni Diouf na mapunan ang naiwang puwang ni dating Cameroonian center Rod Ebondo.

Pinamunuan ng 6-foot-11 na si Diouf ang CEU sa 2019 NCRAA championship, second place finish sa 2019 PBA D-League Aspirants’ Cup, at dalawang runner-up finishes sa UCBL.

-Marivic Awitan