INALISAN ng korona ng Philippine men’s volleyball team ang reigning titlist sa makapigil-hiningang 17-25, 25-20, 23-25, 27-25, 17-15 panalo nitong Linggo upang makausad sa gold medal match sa 30th Southeast Asian Games sa Philsports Arena.

Nabuhayan ng loob sa maigting na suporta ng nagdiriwang na kababayan, humirit ang Filipino spikers, ranked 131 sa world, sa liyamadong karibal at mula sa unang set kabiguan at nagawang makipagsabayan tungo sa huling ratsadahan at tuldukan ang dominasyon ng Thai sa sports.

Pinangunahan ni Bryan Bagunas ang matinding pagbangon ng Pinoy sa kanyang matikas na opensa, tampok ang solid na atake sa net.

Haharapin ng Pinoy ang Indonesian sa Finals Martes ng gabi, target ang panalo na papawi sa 28 taong pagkauhaw sa medalya mula nang makamit ang bronze medal noong 1991 edition.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagwagi ang Indonesia sa Vietnam 25-19, 25-23, 25-15.

“This is too much, I can’t explain the feeling right now. We’re elated becaus we won and we’re assured of a silver. But we need to work harder for the title,” pahayag ni coach Dante Alinsunurin.

-Marivic Awitan