HALOS dalawang linggo rin na ‘di ako nakapagsulat ng ImbestigaDAVE column dahil sa iginupo ako ng karamdaman na ‘di ko man lang kinatakutan noong aking kabataan, at patuloy na binalewala hanggang sa aking senior years – ang sakit na “flu” o pangkaraniwang tinatawag na “trangkaso”.
Nalaman kong may trangkaso na pala ako at malala na -- halos tatlong araw na rin kasi na ‘di mawala-wala ang aking ubo, sipon na may kasabay na lagnat, pagsakit ng ulo at mga kasukasuan, at panghihina ng aking buong katawan -- nang kumonsulta ako sa doktor at sumailalim sa mga laboratory examination.
Ang nagpatakbo sa akin upang magpatingin sa doktor – ang matinding sakit ng ulo na aking naramdaman sa tuwing ako ay bahagyang uubo, na sa paniwala ko ay dulot lamang ng sipon na nakuha ko sa magkakasunod na pagkabasa sa ulan, tuwing magbi-brisk walking ako nang balikan, mula sa bahay hanggang sa kanto ng Barangay Sauyo sa Novaliches, Quezon City.
Akala ko kasi, gaya pa rin dati na ang konting sipon at ubo, na dulot nang pagkabasa sa ulan ay kaya pa ring remedyuhan ng isang tabletang Biogesic, pineapple juice at lemon-water na may wild honey, dagdag ang pa ang mainit na chicken soup, kasunod ng konting pahinga!
Hindi na pala – iba na kasi ang strain ng flu virus sa ngayon, idagdag pa ang mabigat amining katotohanan na: “Hindi na ako teenager, bagkus ay ‘tatang-ager’ na!”
Sangkaterbang gamot ang inireseta sa akin ng kaibigan kong Internist na si Doctor Peter Dator, matapos niyang i-analyze ang resulta ng examination na ginawa sa akin sa clinical laboratory niyang Sanda Diagnostic Center (SDC), sa may kanto ng Laong Laan Road at A. Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila.
“Kung nagpabakuna ka sana ng anti-flu vaccine, dapat wala kang ganyang sakit ngayon,” ani Doc Peter na mahigpit ang tagubilin na ‘wag na ‘wag kong lalaktawan ang pag-take ng inireseta niyang antibiotic. Bilin pa niya: “Complete rest ka muna at mas mahirap ang mabinat (relapse). ‘Wag kalimutang mag-Gatorade habang naggagamot!”
Batay sa tala ng Department of Health (DoH) mas maraming kaso ng trangkasoang inaasahan mula Kapaskuhan hanggang Marso – flu season – dahil kapag malamig ang panahon, mas lumalakas at dumarami ang virus na nagdudulot ng naturang sakit.
Hindi totoo nakapag taglamig ay humihina o bumababa ang “immune system” o resistensiya ng isang tao. Depende na lang ito sa tao kung inaalagaan nito nang wasto ang kanyang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, vitamins at ehersisyo.
Ang ilan sa sintomas ng trangkaso ay ang mga sumusunod: Lagnat na mas mataas pa sa 38°C, pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan, ubo at sipon, pagbabara ng ilong, sore throat, giniginaw na may kasamang panginginig, pagpapawis, pananakit ng ulo, at panghihina ng buong katawan.
Madali itong makahawa sa iba – sa pamamagitan ng “droplets ng laway” na humahalo sa hangin, kapag bumahin o umubo ang taong may trangkaso. Puwede rin namakuha ito sa mga bagay na nahawakan ng isang taong may flu.
Ang dapat na ingatan ng isang may trangkaso ay ang malalang kondisyon na maaaring maging “pulmonya” ito o ang pamamaga ng isa o dalawang lungs, dahil sa impeksiyon na dulot ng bakteryasa katawan ng maysakit.
Pagkatapos ng ilang minutong gamutan, isang masaganang pananghalian ang pinagsaluhan namin ni Doctor Peter sa kanyang clinic -- paanyaya na ‘di ko p’wedeng tanggihan.
Paano ka tatanggi sa nakapaglalaway na kare-kare na may kasamang “Doc Peter Bagoong” – ang katakam-takam na “reformulated” niyang bagoong alamang, na lasang maaalat pero mababa lamang ang salt content!
Ipinagmalaki pa nga niya na bukod sa mga dating outlet ng “Doc Peter Bagoong” na gaya ng Mercury Drug, Landers, at Shopwise -- sa ongoing trade fair ngayon sa SM Mega Mall sa Mandaluyong City ay may booth (Stall 97) kung saan available ito!
Try ninyo masarap – pede kahit na may “high blood” ka pa!
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.