TAMPOK ang duwelo nina striker Alvin Ramirez at Team Lakay’s Vincent Velaque sa gaganaping Fitness Camp sa Disyembre 14 sa Puerto Princesa City Coliseum.

May basbas at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) ang torneo.

Nagbabalik aksiyon si Ramirez matapos ang tatlong taong pahinga at inaasahang pangungunahan ang ratsada ng Pinoy laban sa torneo. Ang 30-year old staple ng Universal Reality Combat Championship at kampeon sa liga sa loob ng apat tao.

Tangan ang 7-10 karta, haharapin ni Ramirez (7-10) si John Madamba (1-0-1). Saabak din si eam Lakay standout Vincent Velaque (3-0).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tulad ni Ramirez, balik aksiyon si Velaque na impresibo sa kanyang laban kontra Jeloird Alvarez.

Ikinalugod ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagsulong ng organizers sa kauna-unahang Pro MMA promotion sa Palawan. Sa iba pang laban magtututos sina Pinoy “pro-am” vet Adonis Sevilleno at Sangalang. Sunod na makakalaban ang tambalan nina Jeron Cabasag at Jovan Espinosa.

“We are very happy that MMA has reached the provinces especially our home in Palawan,” pahayag ni Mitra.“This is proof of its phenomenal growth and upswing,” aniya.