KABUUANG 16 taon nang miyembro ng Philippine weightlifting team si Hidilyn Diaz. At sa loob nang mahabang panahong pagsasanay, kabiguan at pighati, nakamit niya ang tagumpay.

HINDI ITO KIKIAM! Kaagad na nilantakan ni Hidilyn Diaz ang baon matapos ang panalo sa weightlifting. Sikreto ni Diaz ang ‘nutrition program’ na kaloob ni coach Jeaneth Aro.

HINDI ITO KIKIAM! Kaagad na nilantakan ni Hidilyn Diaz ang baon matapos ang panalo sa weightlifting. Sikreto ni Diaz ang ‘nutrition program’ na kaloob ni coach Jeaneth Aro.

Naitala sa kasaysayan ng Philippine sports bilang unang atleta sa weightlifting na nagwagi ng medalya – silver medal sa 2016 Rio De Janerio Olympics – at pamamayagpag sa world championship.

Ngunit, mailap sa kanya ang gintong medalya sa Southeast Asian Games – ang biennial sports spectacle sa rehiyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I started po sa National Team noong 2003. After two years, unang SEA Games ko noong 2005 dito sa Mania. Talagang kabado ako, dahil sa harap ng kababayan natin. I failed, kaya sabi ko sa sarili ko, kailangan kong magpursige.”

Walang sinayang na panahon ang 28-anyos na tubong Zamboanga City at nakamit niya ang minimithing tagumpay – maliban sa SEA Games.

“Kaya mas doble ang pressure at doble ang kaba ko kasi dito uli sa Pilipinas ang laban. Sa harap ng aking mga kababayan, kaibigan at pamilya, pero sabi ko kailangan koi tong isantabi at gawin ang makakaya ko para tumbasan ang suportang ibinigay sa akin lalo ng Philippine Sports Commission (PSC),” pahayag ni Diaz.

At naganap ang matagal na niyang pangarap.

Nakamit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya sa SEA Games at unang medalya para sa weightlifting team nitong Lunes sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.

Sa harap nang nagdarasal at namamanghang local crowd, nabuhat ni Diaz ang kabuuang 211kg upang mapagwagihan ang women’s 55kg division. Matapos nito, dumagundong ang hiyawan ng pagbubunyi.

“Iba ang feeling, Iba pala pag sa harap ng kababayan mo ikaw lumalaban at nanalo. Kaya kakaiba po itong panalo ko dahil personal na nasaksihan ng pamilya ko, mga kaibigan at kababayan,” aniya.

Iginiit ni Diaz na matinding paghahanda ang kanyang ginawa sa tulong ng kanyang conditioning coach at nutritionist na si Jeaneth Aro at sa ayuda ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez para matustusan ang kanyang programa, kabilang ang pagsasanay sa abroad.

“Talagang sakripisyo. Dahil kailangan kong lumayo sa pamilya ko pansalamantala para magtraining. Salamat po sa tulong ng PSC at ni coach Jeaneth (Aro). Mahirap ang training at sa nutrisyon, kailangan mong magpundar ng muscle tapos pag malapit na ang laban need mo naming magbawas. Mahusay yung programa ko sa nutrisyon, dahil na-maintain ko yung power kahit nagbawas ako ng timbang,” sambit ni Diaz.

-EDWIN ROLLON