SUBIC, Zambales -- Siyam na sporting events ang ipinagpaliban na laruin buhat sa mga orihinal nitong game schedule sanhi ng pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’.
Nagpalabas ng opisyal na pahayag ang mga competition managers ng bawat sports na nagbago ng kanilang skedyul upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta.
Kabilang sa mga ipinagpaliban at kinansela na mga laro ay ang Subic Bay Cluster na gaya ng Canoe Kayak na itinakda sa Disyembre 6 hanggang 8, Muay Thai na magsisimula ngayong araw na ito, Sailing/windsurfing na gagawin sa Disyembre 5, Moderna Pentathlon na nakatakda sa Disyembre 5 habang ang mga sports na Beach Volleybal, Pencak Silat, Triathlon at Duathlon, at Sepak Takraw ay nasimulan na muli kahapon Disyembre 3.
Sa Southern Luzon Cluster, ipinagpaliban din ang mga larong Skateboarding, Polo, habang ang Underwater Hockey ay tinapos kahapon ng hapon, habang ang sa Metro Manila cluster ay kinansela muna ang eSports.
Tanging ang Petanque ang sports na nakansela sa Clark Cluster habang hinihintay pa ang anunsiyo sa Wakeboarding, Golf at Aquatics.
-Annie Abad