BUMAWI ang mga Pinoy cyclists sa hindi magandang panimula noong Linggo nang walisin nila ang dalawang gold medals na nakataya kahapon sa mountain bike downhill event ng 30th Southeast Asian Games sa Tatlong Bungo sa Barangay Niyugan sa Laurel, Batangas.

Inangkin ni John Derick Farr ang gold sa men’s division makaraang tumapos sa tiyempong 2:41.143. Kinumpleto naman ni Eleazar Barba ang 1-2 finish para sa mga Pinoy cyclists makaraang pumangalawa kay Farr na naiwan sya ng 1.360 segundo.

Pumangatlo sa kanila para sa bronze medal si Andy Prayoga ng Indonesia na nagtala ng tiyempong 2:47.868.

Nauna rito, nakopo ni Lea Denise Belgira ang gold medal sa women’s downhill event makaraang tumapos sa tiyempong 3:09.781.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naungusan ni Belgira ng 7.205 segundo si Tiara Andini Prastika ng Indonesia na syang nag-uwi ng silver medal.

Napunta naman kay Vipavee Deekaballes ng Thailand ang bronze matapos mairasan ng 3:17.607.

-Marivic Awitan