NAKISOSYO sa pagdiriwang ng sambayanan ang Philippine sepak takraw sa nakamit na tagumpay sa women’s hoop event nitong Linggo sa 30th Southeast Asian Games sepak takraw competition sa Subic Gym.

sepak2

Sa pangunguna ni playing coach Deseree Autor, naungusan ng Filipinas ang Indonesia, 670-660, at kinasiyahan sa kabiguan ng Myanmar.

Ginapi ng Myanmar ang Laos, 640-420, ngunit kapos sila ng 30 puntos para agawin ang gintong medalya na kauna-unahang sa Pinay squad.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kasama ni Autor sa koponan sina Josefina Maat, Sara Jean Kalalo, Jean Marie Sucalit, Mary Ann Lopez at Abigail Sinugbohan in the country’s good pace-setting win.

Target ng Nationals na makamit ang tatlo sa anim na event sa sepak takraw para makamit ang overall title. Tumapos sa ikalima ang Pinay sa Kuala Lumpur edition.

-Annie Abad