PATUTUNAYAN ni Efren “Bata” Reyes na may asim pa siya pagdating sa billiards.

Sa edad na 65-anyos, pinaghahandaan ngayon Bata ang kanyang huling hirit sa pagsabak sa kompetisyon ng 30th Southeast Asian Games.

Sasabak si Bata kasama ang koponan ng billiards sa event na 3 cushion carom men’s singles. kung saan sisiskapin niyang makapagbigay muli ng karangalan para sa bansa, gaya ng kanyang ginawa noong 2011 SEA Games, sa Palembang kung saan nagwagi siya ng bronze medal.

Makakasama ni Bata para sa nasabing event si Francisco dela Cruz, gayundin sina Dennis Orcollo, Chezka Centeno, Rubilen Amit, at Carlo Biado upang buuin ang koponan ng bansa para sa nasabing sports.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Orcollo, ang nag-uwi ng ginton gmedalya buhat sa 2015 SEA Games, na ginanap sa Singapore at ngayon ay sasabak siya sa 9-ball men’s singles kasama naman si Warren Kiamco.

Makakatuwang naan ni Orcollo si Biado sa 10-ball singles men’s division habang sina Amit at Centeno naman ang maglalaro para sa women’s.

S a s a b a k s a 9 - b a l l women’s singles sina Centeno at Amit, habang sina Biado at Johann Chua at si Kiamco ang makakasama ni Jeffrey Ignacio sa 9-ball men’s doubles.

Sisikapin naman nina Luis Saberdo at Benjamin Guevara na makasikwat ng gintong medalya para sa English billiards men’s singles habang sina Jeffrey Roda at Alvin Barbero ang magpapakitang gilas para sa snooker men’s singles, at snooker men’s doubles, habang si Roda ay makakatuwang ni Basil Al-Shajjar, at si Barbero a y ma k a k a t uwn a g n i Mi chael Angelo Mengorio.

-Annie Abad