HINIKAYAT ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Team Philippines Chef de Mission William “Butch” Ramirez ang lahat ng atletang Pilipino na kunin ang overall championship para sa kampanya ng bansa sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na opisyal na magbubukas sa Sabao (Nov. 30) sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.

 BUHOS ang atensyon ng sambayanan sa pagsabak ng atletang Pinoy sa football, floorball at water polo bago ang opening ceremony bukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena at New Clark City. (RIO DELUVIO)

BUHOS ang atensyon ng sambayanan sa pagsabak ng atletang Pinoy sa football, floorball at water polo bago ang opening ceremony bukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena at New Clark City. (RIO DELUVIO)

water polo floorball

“Go for the gold as if your life depended on them and an entire nation will be grateful. Let’s bring good news to everyone. We need it, all Filipinos need it,” pahayag ni Ramirez.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Ayon sa PSC chief, gumugol ng P1 billion ang pamahalaan para suportahan ang pangangailangan ng mga atleta mula sa allowances, food, equipment, foreign coaches, training at exposure sa abroad.

Kabuuang 56 event mula sa 46 sports ang paglalabanan sa biennial meet.

Bahagi ang SEA Games sa paghahanda ng mga atletang Pinoy sa pagsabak sa qualifying meet para sa 2020 Tokyo Olympics.

“Government has been very supportive of our national athletes. And it’s high time that such support gets the results expected from the athletes’ all-out campaign in the SEA Games. We expect nothing less than a 100 percent effort from our national athletes in front of their fellow Filipinos, who I am very sure, will come out in droves to support them,” ayon pa kay Ramirez.

Isasabak ng Team Philippines ang kabuuang 1,115 atleta at 753 coach at supporting personnel.

Sisikapin ng mga national athletes na makasikwat sa 530 ginton gmedalya na nakataya sa 56 sports, na ikakalat sa 44 na venues sa kabuuan ng Metro Manila ,Southern Luzon, Subic at sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Naniniwala ang pamunuan ng PSC na hahakot ng pinakamaraming ginto para sa Pilipinas ang combat sports kung saan may nakatayang 15 ginto para sa arnis sa 20 events habang tig-limang gintong medalya naman ang target para sa judo, kickboxing, jiu-jitsu, sambo, wrestling ayon sa mga pinuno ng mga nasabing sports associations.

Malaki rin ang tiwala ng ahensiya sa dancesport na may posibilidad na makakuha ng 10 gintong medalya habang 12 naman ang sa athletics at siyam sa gymnastics.

Nais ni Ramirez na maulit ang himala ng 2005 SEA Games, kung saan nakuha ng bansa ang overall championship sa ikatlong beses na hosting, matapos ang naunang hosting noong 1981 at 1991.

Humakot ang bansa ng kabuuang 291 medals (113 golds, 84 silvers, 94 bronzes) noong 2005 SEA Games, kung saan pumuwesto naman sa ikalawa ang Thailand at ikatlo naman ang Vietnam.

“Nobody expected us to win in 2005, but we did. For nine days that year, Filipinos were united by our athletes’ sporting achievement. We did it once, let’s do it again, for flag and country,” ani Ramirez.

-Annie Abad