NAGLALAGABLAB na ang ‘spirits of sportsmanship’ at ang pagkakaisa ng mga bansa sa rehiyon sa pagdating ng ‘torch’ – simbolo ng pagsisimula ng 30th Southeast Asian Games – sa sentro ng aksiyon sa Clarkfield sa Pampanga.

torch

Ilang kilometro mula rito, nakatayo ang New Clark City kung saan sisindihan ang ‘cauldron’ para sa opisyal na pagsisimula ng biennial meet, gayundin ang closing ceremony na sinasabing mailalagay sa kasaysayan ng SEA Games.

Kabuuang 2,500 runners mula Angeles City, Mabalacat, sports at local officials, atleta at celebrities, sa pangunguna ni Pampanga-born rapper Apl.de.ap, ang nakiisa sa huling ‘Torch Run’ nitong Sabado -- ang nagsisilbing programa para sa pagsisimula ng biennial meet.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nagsimula ito sa Malaysia – huling bansa na naging host – at itinakbo sa Cebu patungong Davao hanggang sa dating US Military Base.

Iginiit ni Secretary Vince Dizon, head ng Bases Conversion Development Authority, na ang hosting ng bansa ay pagbibigay parangal sa mga miyembro ng Philippine Team.

“Everything that we are doing is for the national athletes,” pahayag ni Dizon.

Nakiisa rin sa pagsindi ng ‘cauldron’ sina volleyball star Majoy Baron, softball’s Cheska Altomonte, water polo’s Tani Gomez Jr. at swimming’s Jasmine Alkhaldi.

Kasama rin sa 5k fun run sina Pampanga vice-governor Lilia Pineda, Angeles City mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin, Mabalacat mayor Crisostomo Garbo at gymnastics chief at Philippine Olympic Committee (POC) board member Cynthia Carrion.

Kasabay ng torch run ang opening day sa polo event sa Calatagan, Batangas, habang magsisimula na rin ngayon ang floorball, football at netball.

Isasagawa ng opening ceremony, tampok ang athletes parade sa Sabado (Nov. 30) sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.