TARGET ng defending champion Hitting Spree na makahirit ng ‘three-peat’ sa paglarga ng 2019 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup bukas (Nov.17) sa Saddle and Clubs Leisure Park Racetrack sa Naic, Cavite.

Impresibo ang pambato ng SC Stockfarm sa naitalang five-length victory sa nakalipas na torneo may isang taon na ang nakalilipas.

Sa ikatlong sunod na taon, gagabayan ang Hitting Spree ni jockey Kelvin Abobo sa prestihiyosong 2,000-meter race na may naghihintay na kabuuang P3,150,000 premyo bilang pagbibigay pugay sa iginagalang na dating Ambassador at San Miguel Corp. Chairman, na isa ring masugid na tagasuporta sa horseracing industry.

Kabuuang 12 karibal, sa pangunguna ni Triple Crown winner at stablemate na Sepfourteen (jockey JA Guce), ang magtatangkang magpatigil kay Hitting Spree para sa champion prize na P1.8 milyon, pinakamalaking prenyo para sa weekend race ng Philippine Racing Commission.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Makukuha ng runner-up ang P675,000, habang P375,000, P150,000 at P100,000 sa tatlong kasunod na tatapos.

Magbibigya din si Cojuangco ang special championship trophies sa mananalo at medalyon sa champion jockey.

Sasabak sa ratratan ang Bugle Notes (jockey JB Hernandez, owner Bell Racing Stable); Certain To Win (CP Henson, Bingson Tecson); Christmas Sky (Pat R Dilema, C&H Enterprises, Inc.); Greatwall (FM Raquel, Jr., Robert Ramirez); Metamorphosis (CS Pare Jr., Francisco Paulo Crisostomo); Murika (RG Fernandez, Joseph Dyhengco); Super Sonic (JB Guce, Leonardo Javier, Jr.); Time and Again (Val R. Dilema, Napoleon Magno); Truly Ponti (PM Cabalejo, Narciso Morales); UND Kantar (Ro Niu, Jr., Melaine Habla); at Viva Morena (Dan Camañero, Bienvenido Pierre Niles III.)

“The big guns are all here, making the Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup truly one of the year’s biggest races in terms of prize money and star power. Racing enthusiasts will be in for a treat,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

Nakalinya rin ang iba pang malalaking programa ng Philracom sa susunod na linggo, kabilang ang 2nd leg ng 3YO Imported/Local Challenge sa Nov. 24.

Siksik naman ang programa ng PHILRACOM sa Disyembre sa gaganaping 3rd leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa Disyembre 1, Grand Sprint Championship sa Dec. 15, Chairman’s Cup at 3rd leg ng 3YO Imported/Local Challenge Series sa Dec. 29 at Juvenile Championship sa Dec. 31.