HATAW si John Barba sa naiskor na career-best 36 puntos para sandigan ang Lyceum of the Philippines University Junior Pirates sa manipis na 78-76 panalo kontra San Sebastian College-Recoletos Staglets nitong Biyernes sa NCAA Season 95 junior’s tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Naisalpak ni Barba, isa sa 10 graduating players ng Lyceum, ang huling siyam na puntos ng Lyceum, tampok ang three-point play mula sa foul ni Josel Barroga para sa 74-67 bentahe may 2:24 ang nalalabi.

Nakabalik ang San Sebastian mula sa 9-4 run tampoka ng triple ni Milo Janao para maidikit ang iskor sa 78-76 may 2.2 segundo sa laban.

May tsansa ang Staglets na agawina ng panalo matapos sumablay ang dalawang issed free throws ni Jaerolan Omandac s hauling 1.6 segundo, ngunit dahil sa kawalan ng time-out hindi na nakapaghanda ang Baste at sumablay ang ‘Hail Mary’ three-point attempt sa half court ni Rafael Are.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Bunsod ng panalo, umusad ang Lyceum saa championship round sa kauna-unahang pagkakataon.

Makakaharap ng Junior Pirates ang top seed San Beda Red Cubs – tangan ang record 22 championships – sa best-of-three series simula sa Martes sa (MOA) Arena sa Pasay City.

“We’re very happy that finally we’re in the Finals,” pahayag ni Lyceum mentor JC Docto. “This is a testament of the hard work of the players, the whole team, and of course the support of the Lyceum community.”

Iskor:

LYCEUM (78) – Barba 36, Guadaña 14, Montaño 10, Omandac 7, Panganiban 6, Garing 3, Ragasa 2, Gamlanga 0, Garro 0, Santos 0, Caringal 0, Caduyac 0, Gudmalin 0, Dejelo 0.

SAN SEBASTIAN (76) – Darbin 18, Bulasa 15, Aguilar 14, Janao 9, Barroga 6, Are 6, Una 4, Perez 2, Concha 2, Brizo 0, Lustina 0.

Quarters: 18-20; 37-44; 56-54; 78-76

Mga Laro sa Martes

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

1 p.m. – San Beda vs Lyceum (Jrs)

4 p.m. – San Beda vs Letran (Srs)