MAY 21 araw na lamang at matutunghayan na ang pinaka-aabagangang hosting ng Pilipinas ng 30th Southeast Asian Games (SEAG).

DIAZ: Target din ang 2020 Tokyo Olympics

DIAZ: Target din ang 2020 Tokyo Olympics

Ngunit para sa reyna ng weightlifting na si Hidilyn Diaz, may panahon pa para mahabol niya ang kanyang timbang para sa pagsabak sa kompetisyon.

Sasabak si Diaz sa kategorya ng women’s 55 kilogram class sa naturang biennial meet, ngunit kailangan niyang magbawas ng timbang upang makasabay sa kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Mataas po ang timbang ko eh, nasa 59 (kilograms) po ako. So kailangan kong mag-drop by next week ng 58 something ako tapos after that 57 so OK na ako,” pahayag ng Rio Olympics silver medalist na si Diaz.

Target ni Diaz ang timbang na 57 kilograms sa loob ng dalawang linggo upang makuha niya ang tyempo para sa kanyang pagsabak sa weightlifting competition na magsisimula sa Disyembre 1.

“Habang nagda-drop ka ng weight kailangan mo ng good performance so doon na papasok ang sport nutritionist. Pagdating kasi ng laro lalo na kung crucial ang laro nito ay nakuha din niya ang bronze medal buhat sa World Championships na ginanap sa Thailand nitong Agosto.

Samantala, bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na 11-nation meet, magtutungo ang 28-anyos na si Diaz sa Taiwan para sa isang training camp.

-Annie Abad