TIWALA ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na muling maibabalik ang sigla ng baseball sa buong bansa at sa international arena.

PH PRIDE! Ang ipinagmamalaki ng Philippine baseball team na sina (mula sa kaliwa) Esmeralda Tatag, Wenchie Bacarusas, Erwin Bocato at Jennald Pareja.

PH PRIDE! Ang ipinagmamalaki ng Philippine baseball team na sina (mula sa kaliwa) Esmeralda Tatag, Wenchie Bacarusas, Erwin Bocato at Jennald Pareja.

At ito ay magsisimula sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG), na kung saan makatitiyak ng gold medal ang bansa sa men’s baseball.

Ito ang pagtitiyak nina PABA vice president Rod Tingzon Jr. at secretary-general Pepe Muñoz sa kanilang pagdalo nitong Huwebes sa 46th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama sina coach Orlando Binarao at Edgar de los Reyes at top players Erwin Bocato at Jennald Pareja, at women’s player Esmeralda Tatag at Wenchie Bacarusas, buong pagmamalaking ipinahayag ng dalawang high-ranking PABA officials ang kanilang kahandaan na makipagtagisan ng galing sa iba pang mga SEA countries sa baseball na gaganapin sa New Clark City mula Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Naniniwala kami sa PABA, sa pangunguna ni president Chito Loyzaga, na tayo ang mananalo ng gold sa men’s baseball sa darating SEA Games. Sigurado na yan,” paglalahad ni Tingson sa weekly sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Ang kumpyansang ito ng dalawang PABA officials ay bunsod na rin ng nakalipas na panalo sa bansa sa international tournament na nilahukan bilang paghahanda sa biennial meet.

“Yun mga makakalaban natin sa SEA Games, tinalo na natin dati bagamat walang baseball sa huling tatlong edisyon ng SEAG dahil hindi naisama ng host country,” saad ni Binarao.

Ipinahayag naman ni Munoz na may ilang Filipino-foreigners ay nagnanais na makasama sa national baseball team.

“One of them is a very talented Fil-Dutch player, who already expressed interest to join the national team. Kaya lang hindi na siguro aabot sa SEA Games dahil buo na ‘yun national team at dadaan din siya sa tryouts,” pahayag ni Munoz.

Samantala, buo rin ang pag-asa nina Munoz at Delos Reyes na sisikat din ang women’s baseball kahit pa hindi ito nakasama sa darating na SEA Games.

“We have a lot of good female players around from different Metro Manila schools. Some of them also played for the RP Blu Girls,” sambit ni Ticzon.