MATAPOS lumabas in supporting roles sa My Special Tatay at Encantadia, nakamit ni Arra San Agustin na maging bida sa bagong teleseryeng Madrasta.

Arra

Aminado si Arra na nainip din siya waiting for the big break. Na-frustrate umano ang acktress kung bakit palaging ganoon ang mga roles na ginagampanan niya ‘baguhan lang ako noon at kailangan ko ang mas matibay na foundation upang umangat ang career or hindi pa siguro napapanahon. Na-realize na may mga bagay na hindi dapat madaliin. As the saying goes, “Patience is a virtue.”

Title role si Arra sa Madrasta her biggest project to date.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi ito ang stereotype na evil stepmother that we find in fairy tales. Gusto ko siya dahil I play a kind at modernong madrasta at hindi ako bilang Audrey ang third party sa buhay ng separated couple Sean at Kathrene.

Bilang paghahanda ay nag-workshop ang cast under the tutelage of New York based acting coach Anthony Bova. Nanood siya ng mga pelikulang tungkol sa marital affairs. Binasa rin niya ang Irreverent Acting ni Erik Morris.

Ang cast ng Madrasta ay binubuo nina Thea Tolentino, Juancho Trivino, Manilyn Reynes at Gladys Reyes.

-REMY UMEREZ