MATAPOS humakot ng record-breaking 529 entries at P42.3 million cash prize noong nakalipas na September World Pitmasters Cup (WPC) 9-Stag International Derby, isang banner field na 330 entries ang inaasahang lalahok sa darating na bagong edisyon ng WPC ngayong Nobyembre.

SENELYUHAN ang paglulunsad sa World Pitmasters Cup International Derby sa tradisyunal na ‘patuka’ nitong Sabado sa Resorts World Manila.

SENELYUHAN ang paglulunsad sa World Pitmasters Cup International Derby sa tradisyunal na ‘patuka’ nitong Sabado sa Resorts World Manila.

Kinikilala na sa buong mundo bilang isa sa mga pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong derby, ang WPC ay nagsisilbing battleground para sa mga subok na at baguhang breeders at Stag fighters ng bansa.

Umaasam ng back-to-back Pitmaster trophies si Senyorita Bulljack DMCA na entry nina Jepoy, Bulljack at breeder Allan Vicencio matapos masungkit  ang solo championship sa nakalipas na September 2019 World Pitmasters Cup.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga sikat na World Pitmasters Cup promoters ay sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Ako Bisaya Sonny Lagon, RJ Mea at Agusan Rep. Eddiebong Plaza kasama ang iba pang mga malalaking  pangalan sa cockfighting industry ay muling magkakasubukan sa tanyag na stag derby na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila.

Ang November 2019 WPC 9-Stag International Derby ay magkakaroon ng apat na sunod na 2-Stag elimination rounds mula Nob. 10-13 (Sets A-D).

Matapos ang one-day rest sa Nob.14, magkakaroon ng isang one-day, 220 K-Pot Money 7-Stag Big Event sa Biyernes, Nob. 15.

Ang mga qualifiers ay magbabalik sa ruweda sa 3-Stag semifinal rounds sa Nob. 17 para sa Set A, Nob. 18 para sa Set B, Nob. 19 para sa Set C at Nob. 20 para sa Set D. Sa iba pang mga katanungan at cockhouse reservations, tumawag sa 0915-1527975.

Matapos ang ceasefire sa Nob. 21, ang 4-Stag pre-final round ay lalarga sa Nob. 22 para sa mga kalahok na may cumulative scores na 3 at 3.5 habang ang mga grand finalists na may aggregate scores na 4, 4.5 at 5 points ay maghaharap sa championship sa Nob. 2019 WPC 9-Stag International Derby sa Sabado, Nob. 23.