MAAGANG nagparamdam ng dominasyon ang reigning back-to-back champion National University sa magkasunod napanalo, habang pakitang-gilas din ang University of the East sa pagsisimula ng aksiyon sa UAAP Season 82 Men’s Taekwondo tournament sa Blue Eagle Gym.

Tinampukan ni National team mainstay Keno Mendoza ang 4-3 panalo ng Bulldogs kontra De La Salle matapos manaig kay Mark Gacilos, 22-21.

Naunang winalis ng Sampaloc-base jins ang Ateneo, 7-0.

“Sobrang hirap kami sa training namin kaya pinush namin yung bawat isa na makakuha ng panalo para sa championship,” sambit ni Mendoza.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanaig naman ang UE Warriors sa University of the Philippines, 7-0, bagi pinadapa ang Ateneo, 5-2.

Nanguna sa Red Warriors si flyweight Lawrence Borres na may kabuuang 46 puntos.

Magkasalo ang La Salle at University of Santo Tomas sa ikatlong puwesto na may 1-1 karta. Sinimulan ng Green Jins ang season sa 4-3 desisyon kontra Tiger Jins, ngunit nakabawi ang Thomasians sa UP, 5-2.