MULING pinangungunahan ni Piolo Pascual ang 11th year ng SunPIOLOgy, ang sporting event ng Sun Life Philippines na humihimok sa mga Pilipino tungo sa mas malusog na pamumuhay.
May theme na “SunPIOLOgy Xone”, tampok ngayong taon ang Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH, at Sun Life Resolution Run.
“Sun Life aims to offer Filipinos more avenues to pursue their health goals,” pahayag ng Sun Life chief marketing officer na si Mylene Lopa.
“With SunPIOLOgy, we are able to make the pursuit fun and engaging through a variety of sporting events, while the charity component makes it more meaningful and memorable. We are thankful that as we mark 11 years of SunPIOLOgy, we continue to grow our community and effectively promote the importance of living healthier lives.”
Nitong nakaraang October 15 sinimulan ang bagong event na Sun Life Virtual Run, ang long-distance race event na maaaring salihan nasaan man ang participants. Mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, maaaring i-challenge ng participants ang kanilang sarili para kumpletuhin ang 50 hanggang 125 kilometro sa loob ng 30 araw. Ibinalik din ang Sun Life Cycle PH.
Fun and exciting ang rutang naghihintay sa cyclists na magsisimula sa Bonifacio Global City hanggang Pasay City.
Ang categories ng Sun Life Cycle PH ay Tricycle Ride (100 or 500 meters) para sa mga paslit na edad dalawa hanggang limang taon; Kids Ride (30-minute Solo or Family Ride) para sa mga batang anim hanggang 15 taong gulang; Short Ride (20 kilometers) for 10 years old and above; at Long Ride (40 kilometers) para sa 14 years old pataas.Gaganapin ang Sun Life Cycle PH sa November 23.
Ongoing na ang registration sa sunlife.cycleph.com at bukas ito hangganh November 22.
Magsisilbi namang kick off ng selebrasyon ng 125th anniversary ng Sun Life Philippines sa 2020 ang Sun Life Resolution Run. Layon ng race na maikintal sa isipan ng lahat ang pangangalaga sa kalusugan.
Host din ang Sun Life sa diabetes prevention ang management awareness campaign sa mga piling bansa sa Asya, lalo na sa Pilipinas na nagdeklarang laganap na ito sa buong kapuluan.
Tampok sa Resolution Run ang “125 Xone,” na ang runners ay dadaan sa “xones” na nakadesinyo para diabetes prevention theme. Mananalo ang 125 lucky runners ng electronic gift cards worth P1,250, na maaari nilang gamitin sa iba’t ibang partner stores.
Muling dadaluhan ng mga sikat na celebrities ang SunPIOLOgy run na isa ring charity event para sa kapakinabangan ng Hebreo Foundation, Noordhoff Foundation, at Star Magic scholars.
Gaganapin ang Sun Life Resolution Run will sa Enero 18, 2020, sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Magsisimula ang registration sa November 15, 2019, sa www.sunpiology.com at ilang piling Toby’s Sports Stores.
“What sets SunPIOLOgy apart is the community it has built through the years,” wika ni Piolo.
“Each event is fun and exciting, and now, we are bringing the SunPIOLOgy brand of wellness to the virtual world so that we can motivate even more people. With this, I’m sure more Filipinos will experience what it means to live healthier and brighter under the sun.”
-DINDO M. BALARES