NAPANATILI ng National University-Nazareth School ang malinis na karta nang ungusan ang De La Salle-Zobel, 7-6, sa UAAP Season 82 Juniors Baseball tournament nitong Martes sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nailagay ni NU’s Kurt Cabanillas si Nico Calanday sa ibabaw ng seventh inning sa impresibong grounder sa right field, bago nagawang ma-outs ni pitcher Regie Omana ang tatlong nakaharao para selyuhan ang panalo.

“Dinevelop lang namin yung willingness to win para makuha itong game. Sinabi ko na kapag nalamangan tayo, doble effort dapat,” pahayag ni NU coach Egay Delos Reyes.

Tangan ng NU ang 4-0 marka.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Naitabla ng Zobel ang laro sa 6-6 mula sa error ni Omana sa sixth inning.

Sa iba pang laro, nagwagi ang University of Santo Tomas sa Ateneo, 7-2.

“Sabi ko lang nung lumamang ang Ateneo, may tatlong inning pa tayo, didiskarte tayo. Pag nagkatao, mag bunt na tayo. Pag bunt, nagka-hit, sunud-sunod na, napasukan ng isa ang pitcher, nabawasan na ang kumpyansa,” sambit ni UST coach Jeff Santiago.