Pasok na ang two-time defending champion Ateneo de Manila University sa Final Four ng UAAP season 82 men’s basketball.

Nag-slam dunk ang Ateneo center Ange Kouame at walang nagawa si Jamie Malonzo ng La Salle sa laro kahapon sa Mall of Asia Arena.  (Rio Deluvio)

Nag-slam dunk ang Ateneo center Ange Kouame at walang nagawa si Jamie Malonzo ng La Salle sa laro kahapon sa Mall of Asia Arena.
(Rio Deluvio)

Nakamit ng Blue Eagles ang unang semis slot matapos talunin ang archrival De La Salle University, 77-69, kahapon sa Mall of Asia Arena.

Ito ang 10th straight win ng Ateneo ngayong season at 20th overall muli 2018.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bumida si Adrian Wong, na pinasok ang 4 sa 7 three pointers para magtala ng season-best 18 points.

Nagbigay naman si Thirdy Ravena ng 13 points at seven rebounds, at ang center na si Ange Kouame ng 10 points, 14 rebounds at 3 blocks.

Dinomina ng Ateneo ang laro, na may dalawang tabla at dalawang lead changes. Pinalobo ng Eagles ang 55-50 lead sa third quarter sa 61-51 pagpasok sa fourth period sa likod ng shooting nina Mike Nieto at Will Navarro.

Tinalo din ng Ateneo ang La Salle sa first round, 81-69, upang paabutin sa five games ang lamang nito sa Archers.

Huling nanalo ang La Salle sa Ateneo noong Game 2 ng 2017 finals.

Dumaosdos ang La Salle sa 4-5 upang makipagsisikan sa gitna ng standings.

Natalo ito kahit na limang Archers ang may double-figure scoring.

Sa women’s play, kabaliktaran naman ang nangyari.

Pinalakas ng La Salle ang semis bid nito matapos ang 62-53 panalo sa Ateneo.

Umiskor si Charmaine Torres 17 points, eight rebounds at four assists para sa Lady Archers upang tapusin ang two-game slump nito at iangat ang standing sa 4-5.

Natamo naman ng Lady Eagles ang third straight loss para sa 3-7 standing.

Ginapi ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University 71-67 para sa its sixth straight win at 8-2 card.

Scores:

ATENEO 77 -- Wong 18, Ravena 13, Kouame 10, Navarro 9, Mamuyac 6, Belangel 5, Mi. Nieto 5, Daves 3, Ma. Nieto 3, Tio 3, Go 2.

LA SALLE 69 -- Serrano 15, Baltazar 12, Caracut 11, Malonzo 10, Melecio 10, Manuel 7, Bartlett 2, Bates 2, Lojera 0.

Quarters: 19-15, 36-30, 55-50, 77-69.

-Kristel Satumbaga

Laro Miyerkules

(Mall of Asia Arena)

10:30 a.m. – La Salle vs UE

12:30 p.m. – Ateneo vs FEU

4 p.m. – UST vs UP