Pipilitin ng University of the Philippines na tuldukan ang two-game losing streak sa pagsagupa nito sa University of the East sa UAAP Season 82 men’s basketball sa Mall of Asia Arena.

Isa si Kobe Paras (kaliwa) sa mga frontliner ng UP na inaasahang umarangkada laban sa UE. (Rio Deluvio)

Isa si Kobe Paras (kaliwa) sa mga frontliner ng UP na inaasahang
umarangkada laban sa UE. (Rio Deluvio)

Maglalaro ang Fighting Maroons na wala si Coach Bo Perasol, na suspendido ng three games.

Kailangang makaahon ang UP matapos talunin ng Far Eastern University Tamaraws sa overtime, 82-79, noong Miyerkules.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinulbos naman ito ng Ateneo de Manila University sa pagtatapos ng first round. Nasa second place Maroons na may 5 panalo ang 3.

Si assistant coach Ricky Dandan ang pansamantalang papalit kay Perasol.

“We’re in the middle of the tournament. We didn’t get the win and we needed to get back to the drawing board to bounce back hard,” sabi ni Dandan.

Tinalo ng UP ang UE sa first round, 62-56, ngunit alam ng Maroons na dapat silang kumayod nang husto and huwag maliitin ang Warriors.

Inaasahang magiging matindi ang banggaan ng kasalukuyang Most Valuable Player Bright Akhuetie at Alex Diakhite ng UE.

Sasandalan ng Maroons sina Kobe Paras at ang magkakapatid na Javi and Juan Gomez De Liaño.

Si Rey Suerte ang inaasahang mangunguna sa opensa ng Red Warriors at tutulungan siya nina Philip Manalang at Neil Tolentino.

Balak ng National University na gamitin ang momentum ng 85-79 panalo kontra Far Eastern University noong nakaraang linggo sa pagharap nito sa Adamson University sa first game.

Nasa ilalim ng standings ang Bulldogs na may 2-7 card.

“Hangga’t may laro pa kami, lalaban lang talaga kami. Yun rin sabi ni coach Jamike (Jarin) sa amin, laban lang. We have nothing to lose naman. Nowhere to go but up,” sabi ni Shaun Ildefonso ng Bulldogs.

Makakasama ni Ildefonso ang kapatid na Dave, Issa Gaye at John Lloyd Clemente sa pagkasa na opensa.

Nakasalalay naman ang tsansa ng Adamson na maiangat ang 3-6 record kina Val Chauca, Lenda Douanga at Jerrick Ahanmisi

-Kristel Satumbaga