Winaldas ng National University ang 15-point lead bago makabuwelo sa overtime at ungusan ang Far Eastern University, 85-79, sa UAAP season 82 men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Lamang ang Bulldogs 65-50 pero unti-unti itong nalusaw sa gitna ng 17-0 pasabog ng Tamaraws na pinangunahan ni Alec Stockton.

Two minutes na lang ang natitira sa regulation nang agawin ng FEU ang lead, 67-65.

Nagpalitan ng baskets ang dalawang team bago nakabuslo ng triple si John Lloyd Clemente para ibalik ang kalamangan sa NU, 71-69, 19.8 seconds ang natitira. Ngunit isang lay-up ni Barkley Ebona ang nagpatabla and nagdala ng game sa overtime.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi na nagsayang ng oras ang Bulldogs at umiskor ng 9 straight points, 79-71.

Bago ang panalo, pinasadsad ang NU ng University of the East (78-72) at La Salle (85-61).

“We just went back to the basics,” sabi ni Bulldogs coach Jamike Jarin.

Top scorer si Dave Ildefonso sa Bulldogs na nagtala ng 27 points, kasama ang 5 triples, at 11 rebounds.

Nagbigay naman si Issa Gaye ng 16 points at 10 rebounds, at nagdagdag si Clemente ng 15 points at 8 rebounds.

Bumulusok ang FEU sa 5 losses at 4 wins, kahit umiskor si Ebona ng 15 points at 12 rebounds. Si Royce Alforque at Wendell Comboy ay may 11 points each.

The Scores:

NU 85 -- D. Ildefonso 27, Gaye 16, Clemente 15, Oczon 8, Gallego 5, Minerva 4, S. Ildefonso 3, Galinato 2, Malonzo 2, Rangel 2, Yu 1, Diputado 0, Joson 0, Mangayao 0, Tibayan 0.

FEU 79 -- Ebona 15, Alforque 11, Comboy 11, Stockton 9, Tchuente 9, Torres 9, Tuffin 7, Gonzales 6, Bienes 2, Cani 0, Nunag 0.

Quarters: 15-13, 39-32, 62-47, 71-71, 85-79.

-Kristel Satumbaga

Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. – Adamson vs NU

4 p.m. – UP vs UE