BATANGAS CITY—Ibinuga ng Davao Occidental Tigers ang firepower nito habang nakalusot ang Batangas City Athletics noong Lunes, ang first playdate ng MPBL Lakan Season, Batangas State University Gymnasium.
Bumida para Tigers si Mark Yee nang umiskor ng double-double, sa pagkayas sa Bulacan Kuyas, 91-75, para sa 15-2 record na pumayagpag sa South division.
Nilimitahan naman ng Athletics ang San Juan Knightsto sa one point sa huling three minutes para manalo, 93-88.
Naghahabol ang Athletics hanggang nagpakawala ito ng 9-1 salvo sa huling 3:23 minuto para makausad, 82-85, at makuha ang 11th panalo laban sa 5 pagkatalo.
Umiskor si Moncrief Rogado ng 18 points para sa Athletics.
Para sa Knights, nasayang ang 28-point effort ni John Wilson, at natikman nila ang pangalawang pagkatalo sa 17 outings. Kahit na natalo, angat pa rin ang Knights sa North division.
Si Yee ay umiskor ng 18 points at 10 rebounds para sa Tigers. May 15 points naman galing kay Marco Balagtas, 11 mula kay Richard Albo at 10 mula kay Billy Robles.
Ito ang ikapitong loss para sa Kuyas sa 16 games.
Daan-dang fans ang hindi na pinapasok sa BSU campus dahil puno na ang Gov. Feliciano “Sanoy” Leviste Memorial Multi-Purpose Gymnasium.