TUMATAG ang kampanya na back-to-back title ng University of Santo Tomas nang masiguro ang ‘twice-to-beat’ na bentahe kasama ang Far Eastern University sa men’s Final Four ng UAAP Season 82 beach volleyball tournament nitong LInggo sa Sands SM By The Bay.

Nanaig ang tambalan nina Tiger Spikers Jaron Requinton at Rancel Varga laban kina Vince Maglinao at Ian Jumandos ng La Salle, 21-9, 21-12, habang nagwagi sina Jude Garcia at Kevin Hadlocon ng Tamaraws kontra University of the East Jake Abria at Lloyd Josafat, 21-12, 21-13.

Kapwa may malinis na karta, magkakasubukan ang UST at FEU sa rematch ng nakalipas na Finals sa paghaharap sa final elimination match sa Miyerkoles para sa Final Four ranking ganap na 10 ng umaga.

Mas pukpok po yung training namin kasi yun nga po, defending champion po kami kaya hindi easy-easy,” pahayag ni Requinton.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Umusad din sa semifinals ang National U at Adamson.