GINEBRA players sa Gilas Pilipinas sa Southeast Asian Games?

cone

Nais pakasiguro ni Gilas Pilipinas mentor Tim Cone at kabilang sa kanyang plano na samahan ng ilang Kings player ang National Team na isasabak sa biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Manila.

Hindi pa natatalo ang Pilipinas sa basketball event ng Sea Games mula nang mabigo sa Malaysia noong 1989 edition sa Kuala Lumpur.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Napili si Cone na maging coach ng Gilas matapos ang pagbibitiw ni Yeng Guaio sa kabiguang natamo ng koponan sa FIBA World Cup at kumpiyansa si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chief Al Panlilio sa kakayahan ni Cone na ihatid sa tugatog ng tagumpay ang Gilas.

Kabilang sa nais ni Cone na isama sa Gilas sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Stanley Pringle at Art dela Cruz.

Makakasama nila sina TNT KaTropa’s Jayson Castro, RR Pogoy and Troy Rosario, Christian Standhardinger, Marcio Lassiter, Chris Ross at June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Alaska’s Vic Manuel at Matthew Wright of Phoenix Fuel.

“We really quite of narrowed it down,” pahayag ni Cone matapos ang pakikipagpulong sa league’s board of governors na pinamumunuan ni Ricky Vargas ng TNT.

“Not only did we try to narrow it, we tried to come up with the idea of may be because of that short window we have, maybe we go with a team that I’m familiar with – Ginebra.”

“Go with six players from Ginebra and then we reinforce it,” sambit ni Cone, nangasiwa sa National Team na nagwagi ng bronze medal noong 1998 Asian Games sa Thailand.

Kasama rin sa nakapulong ni Cone sina board members Northport’s Erick Arejola, Mamerto Mondragon ng Rain or Shine, Rod Franco ng NLEX, Robert Non ng SMB, Rene Pardo ng Magnolia, Dickie Bachmann ng Alaska, Alfrancis Chua ng Ginebra, Siliman Sy ng Blackwater at Bobby Rosales ng Columbian Dyip.

-Waylon Galvez