KASADO NA!

HINDI na mahuhuli sa pansitan ang sector ng sports.

TINANGGAP ni Senator Sonny Angara ang 'plaque of appreciation' mula kina (mula sa kaliwa) Games and Amusement Boars (GAB) Chairman Abraham 'Baham' Mitra, Commissioners Mar Masanguid at Eduard Trinidad kahapon sa 1st Philippine Professional Sports Summit sa PICC

TINANGGAP ni Senator Sonny Angara ang 'plaque of appreciation' mula kina (mula sa kaliwa) Games and Amusement Boars (GAB) Chairman Abraham 'Baham' Mitra, Commissioners Mar Masanguid at Eduard Trinidad kahapon sa 1st Philippine Professional Sports Summit sa PICC

Mismong sina Senator Sonny Angara at Bong Go – dalawa sa hitik na sports supporters sa Senado -- ang nagbigay nang kasiguruhan na maipagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagamyenda sa mga batas at pagsulong ng mga bagong Senate bill na aagapay sa pangangailangan ng atletang Pinoy sa kanilang paghahangad na maging kompetitibo at ‘world-class’.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Nasimulan na natin ang pagbibigay ng suporta sa grassroots level. Pero sa totoo lang kailangan pa nating kumilos ng todo, dahil kulang na kulang talaga tayo sa sports facilities. Kumpara sa mga karatig nating bansa Vietnam, Thailand and even Singapore (sila may 21 sports center), tayo sa Pilipinas 20 lang ang sports coliseum and can accommodate 10,000 or less,” pahayag ni Angara sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng 1st Philippine Professional Sports Summit kahapon sa PICC sa Pasay City.

“At karamihan pa dito ay private. Sa golf course wala tayong public, maliban lang yata sa AFP at lahat puro private. We need to improve our sports facilities para sa grassroots pa lang matibay na ang foundation natin.

“We’re  closely coordinating with the Philippine Sports Commission and the Games and Amusement Board para kung ano pa ang kakulangan, makakaasa ang sambayanan na susuportahan namin ito sa Senado,” sambit ni Angara, may akda sa pagamyenda ng ‘Athletes Incentives Act’ kung saan napataas ang cash incentives ng mga atleta na magwawagi ng medalya sa international competition at pagsama sa mga atletang may kapansanan sa mabibigyan ng ayuda.

Kinatigan ito ni Go, ay muling inulit ang pagsasabatas ng panukala niyang pagtatayo ng National Sports Center for High School sa new Clark City sa Tarlac.

“Makakaasa po kayo na huling tatlong taon ng Pangulo at habang kami po ay nasa Senado ay maisusulong po natin at mapapalakas ang mga programa sa sports. Parang kapit-bahay po ninyo kami, lapitan nyo lang at sabihin kung ano pa ang ating magagawa para matulungang ang sports,” sambit ni Go.

Iginiit ni Go na suportado niya ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa PSC at GAB na napagtuunan na rin ng pansin sa nakalipas na taon nang maitaas ni Angara mula sa 180M hanggang 230M ang pondo ng PSC at 140M mula sa dating P78 milyon sa GAB.

Isa sa isyu na nangangailangan ng agarang aksiyon ang malaking tax sa horseracing industry na kasama sa naapketuhan sa ipinatupad na ‘Train Law’. Malaking kabawasan sa kita ng sektor ang malaking tax na binabayaran na kung hindi mareresolba ay pipilay ng todo sa industria.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagkakaisa ng sektor ng professional sports ay magpapatibay sa kanilang hanay at magbibigay kasiguruhan sa bansa para sa hinahangad na ‘sports excellence’

“As they say, Great ideas are created when great minds are gathered. It has been three years since i assumed office, but our goal in GAB is still the same—that is to place the Philippine professional sports onto a global scale and lay ground for its further success in the future,” sambit ni Mitra.

“I believe that we are here for a common purpose—to level up the quality of professional sports in the Philippines so it can keep up with the fast-pacing international trends.

“The Philippine Professional Sports Summit aims to bridge gaps and establish strong partnerships between GAB and different professional sports stakeholders in the country which are under the supervisory and regulatory authority of GAB,” pahayag ni Mitra.

Sumentro rin ang summit sa anti-doping kung saan tinalakay ni Dr. Alejandro Pineda, pangulo ng Philippine National Anti-Doping (PHINADO), ang pag-iingat at pagiging ‘aware’ sa mga iinuming bitamina at nutritional supplement para makaiwas sa ipinagbabawal na substances na makasisira sa kanilang career.

“Almost every month may mga bagong entry na substance na ipinagbabawal ng World Anti-Doping (WADA) kaya kailangan nating maging maingat. Sa mga trainers, coaches, officials at atleta mismo, pag-aralan mabuti ang mga iniinom na supplement,” ayon kay Dr. Pineda.

-Edwin Rollon