NANATILING imakulada ang University of the East nang gapiin ang National University-Nazareth School para sa ikatlong sunod na panalo sa UAAP Season 82 Boys’ Volleyball tournament sa Paco Arena.

Dinaig ng Junior Red Warriors ang University of Santo Tomas, 25-16, 22-25, 29-27, 25-12, habang nanaig ang Bullpups sa Ateneo, 25-11, 25-16, 25-14.

Sa iba pang laro, nadomina ng Adamson University ang De La Salle-Zobel, 25-20, 25-21, 28-26, para sa unang laro.

Kumubra si Captain Francis Babon ng 17 puntos, habang tumipa si Joshua Espenida ng 16 puntos sa UE.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Ang sabi ko sa kanila noong third set noong naghahabol kami, hanggang maaari tibayan nila yung dibdib nila pagdating ng crucial point,” sambit ni UE coach Raffy Monsuela.

“Masarap sa feeling na makaisa para makadere-derecho na ang panalo namin, yun lang naman ang sabi ko sa mga bata eh,” pahayag ni Adamson University coach Marvin Ramoso said.

Nanguna si Marapoc sa Baby Falcons na may 16 puntos.