NAPIPISIL ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si Ginebra coach Tim Cone na pangasiwaan ang National Team Gilas Pilipinas sa kampanya sa 30th Southeast Asian Games.

AKSIYONG umaatikabo ang duwelo ng NorthPort at Rain Or Shine sa PBA Governors Cup kamakailan. (RIO DELUVIO)

AKSIYONG umaatikabo ang duwelo ng NorthPort at Rain Or Shine sa PBA Governors Cup kamakailan. (RIO DELUVIO)

At walang dahilan para hindi maisakatuparan ang lahat.

Nagpahayag ng suporta ang top management ng San Miguel Beer sa napipintong paghawak ng American mentor sa Nationals sa biennial meet na gaganapins a bansa sa Nov. 30 hanggang Dec. 11.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua, ibinigay ng pamunuan ang ‘all-out support’ sa plano ng SBP at tiniyak na walang magiging sagabal para rito.

Kamakailan, nagbitiw si Yeng Guiao bilang coach ng Gilas matapos ang kabigaun sa FIBA World Cup sa China.

“Basta para sa bayan, full support kami ng Boss Ramon Ang ko,” pahayag ni Chua sa local media na kasama ng koponan sa pagsabak sa ‘Terrific 12’ sa Macau.

Nauna nang inamin ni Cone na kinausap siya ni SBP president Al Panlilio hingil sa alok na pangasiwaan ang Gilas.

Ngunit, iginiit ni Cone, tanging coach namay dalawang grand slams sa PBA, na nakatuon sa kasalukuyan ang kanyang atensyon na maipanalo ang Ginebra sa season-ending Governors Cup.

Aniya, hihingin niya ang suhestyon ng pamilya hingil dito bago muling makipag-usap kay Panlilio.

Matatandaang ginabayan ni Cone ang Philippine Centennial Team sa 1998 Asian Games sa Thailand kung saan nagwagi ang Pinoy ng bronze medal.