NAKASENTRO sa seguridad at pangangalaga sa career ng mga atleta ang mga isyu na tatalakayin sa kauna-unahang Philippine Professional Sports Summit na gaganapin sa Setyembre 24-25 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

TATALAKAYIN ang mga isyu na nakakaapekto sa atleta at sa professional sports sa gaganaping 1st Professional Sports Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board, sa pangunguna ni GAB Chairman Baham Mitra. Naging panauhin ang dating Palawan Governor at Congressman kasama si triathlon champion Claire Adorna sa TOPS Usapang Sports.

TATALAKAYIN ang mga isyu na nakakaapekto sa atleta at sa professional sports sa gaganaping 1st Professional Sports Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board, sa pangunguna ni GAB Chairman Baham Mitra. Naging panauhin ang dating Palawan Governor at Congressman kasama si triathlon champion Claire Adorna sa TOPS Usapang Sports.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, isang masiglang ‘interaction program’ ang inihanda ng ahensiya, sa pakikipagtulungan ng mga professional league, boxing promoters sa bansa at anti-doping agency para higit na maunawaan ng mga professional athletes ang mga kaganapan na makakaapekto sa kanilang career.

“We invited the PBA, boxing matchmakers, promoters. Ang sabong group pupunta and the Philippine Anti-Doping Agency (PHINADO) under Dr. Alejandro Pineda is coming. Maipapaliwanag nila sa mga atleta kung ano ang dapat gawin para maiwasan yung mga substances na ipinagbabawal ng WADA,” pahayag ni Mitra sa kanyang pagbisita sa Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Kasama rin sa topic yung social media para matutunan ng ating mga atleta ang tamang approach para mas mapaganda ang kanilang imahe at career,” aniya.

Ikinatuwa ni Mitra na mula nang maging Chairman ng GAB, dumami ang mga sports na nagkaroon ng professional league.

“From basketball to boxing, of course sabong and races andyan kami. Pero ngayon nandyan na rin ang muaythai, tennis, wrestlingat MMA na nag-apply na maging pro.

“Mas maganda ito dahil masisiguro natin ang seguridad lalo na sa kalusugan ng mga atleta, dahil sa GAB tiyak nababantayan sila,” pahayag ni Mitra.

-Edwin Rollon