NAGRETIRO na si Jocelyn De Leon ng Far Eastern University (ikalawa mula sa kaliwa), matapos ang 28 taong serbisyo bilang miyembro ng UAAP Board of Managing Directors.

TINANGGAP ni De Leon (ikalawa mula sa kaliwa) ang plaque ng UAAP.

TINANGGAP ni De Leon (ikalawa mula sa kaliwa) ang plaque ng UAAP.

“I was just enjoying my job since 1991 kahit noon na hindi pa gaano sa television ang UAAP. Yung experience, dealing with different board members of the other schools, naenjoy ko yung trabaho,” pahayag ni De Leon sa payak na mensahe matapos tanggapin ang plaque sa half time ng high school match nitong Miyerkoles sa Paco Arena.

Pinangasiwaan nina UAAP president Em Fernandez, vice president Nong Calanog, at NU’s Nilo Ocampo ang pagbibigay ng parangal sa isa sa haligi ng premyadong collegiate league.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Mayroon kaming mga rules na nabuo sa UAAP, yung mga na-formulate namin na eligibility rules for the players na up to now, nagagamit pa rin although may mga revisions na,” aniya.

Sakabila ng pagreretiro, mananatili si De Leon sa FEU bilang Administrative and Services Manager.

Si FEU athletic director Mark Molina ang papalit sa iniwang puwesto ni De Leon sa BoMD.