NAGWAWALA ang nakawala sa kwadrang Tamaraws.
Lubhang matikas at humaharibas ang opensa ng Far Eastern University Tamaraws laban sa perennial title contender La Salle tungo sa dominanteng 66-55 panalo nitong Miyerkoles sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena.
Hataw si Wendell Comboy sa naiksor na 11 puntos, tampok ang lima sa huling pitong puntos ng FEU sa krusyal na sandali, habang nanguna si Cameroonian big man Patrick Tchuente ng 19 puntos, 11 boards, at tatlong blocks para sa ikalawang panalo ng Tams sa apat na laro.
“I’m just proud of the way we played today coming off that loss to Ateneo,” pahayag ni coach Olsen Racela.
“It just showed yung competititon this season is so balanced. Lahat ng teams are capable of winning any given moment.”
Bahagyang nabitiwan ng FEU ang tangan sa 14 puntos na bentahe, 38-24, sa kaagahan ng third quarter at nagawang makadikit ng La Salle sa 56-50, may 6:14 ang nalalabi.
Ngunit, naisalpak ni Comboy ang three-pointer para tampukan ang 10-3 blast ng Tamaraws para selyuhan ang panalo.
Nanguna si Jamie Malonzo sa Green Archers na may 20 puntos, 15 rebounds, at tatlong assists.
Nasopresa naman ng Adamson, sa pangunguna ni Valandre Chauca, ang University of Santo Tomas, 78-71.
Ratsada ang Soaring Falcons, sa pangunguna ng Fil-Peruvian sniper, sa 16-0 run para igupo ang Archers.
Kumana si Chauca ng 18 puntos, walong assists at anim na rebounds.
“We got a big lift from Val,” sambit ni coach Franz Pumaren. “That’s why he’s here. He’s here to guide this young team.”
Nanguna si Jerrick Ahanmisi sa Adamson na may 24 points.
-Marivic Awitan
Iskor:
(Ikalawang Laro)
FEU 66 -- Tchuente 19, Comboy 11, Bienes 9, Ebona 8, Alforque 7, Gonzales 5, Tuffin 4, Torres 3, Cani 0, Nunag 0, Stockton 0.
LA SALLE 55 -- Malonzo 20, Caracut 10, Baltazar 6, Serrano 6, Melecio 5, Bates 2, Lojera 2, Meeker 2, Pado 2, Manuel 0.
Quartersores: 19-14, 36-24, 49-43, 66-55.
(Ikatlong laro)
ADU (78) -- Ahanmisi 24, Chauca 18, Douanga 9, Fermin 7, Lastimosa 6, Mojica 5, Magbuhos 4, Camacho 3, Manlapaz 2, Bernardo 0, Flowers 0, Yerro 0, Zaldivar 0.
UST (71) -- Chabi Yo 17, Cansino 10, Concepcion 10, Nonoy 10, Abando 9, Subido 6, Huang 4, Paraiso 3, Pangilinan 2, Ando 0, Caunan 0, Cuajao 0.
Quarterscores: 19-15, 33-38, 48-58, 78-71.