SA pagtatag ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) – may 50 taon na ang nakalilipas – tunay na nakatakda ang tagumpay ng natatanging ‘grassroots sports program’ para sa kababaihang atleta.

WNCAA SEASON!  Ang mga miyembro ng Management Committee ng WNCAA, sa pangunguna nina (may hawak ng bola sa kaliwa) Executive Director Vivian Manila, President Yolanda Co at Secretary Angie Dela Cruz.

WNCAA SEASON!
Ang mga miyembro ng Management Committee ng WNCAA, sa pangunguna nina (may hawak ng bola sa kaliwa) Executive Director Vivian Manila, President Yolanda Co at Secretary Angie Dela Cruz.

At sa pagdiriwang ng kanilang ‘golden anniversary’ ngayong season, ibibida ng premyadong collegiate league sa bansa ang tagumpay ng kanilang hangarin na mapalawak ang sports at magabayan ang mga atleta sa panuntunan na binuo ng disiplina.

“Destined for Greatness. Ito po ang theme namin ngayon which we think the association achieve since we founded the league in 1970. The desire to empower women for equal rights and opportunities in sports, ‘yan po ang aming napagtagumpayan,” pahayag ni WNCAA Executive Director Vivian Manila sa isinagawang media conference kahapon.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“This year, all 16 school member ay host. Besides the usual sports program, idinagdag namin ang Hip- Hop competition. Isusulong din namin ang ‘No Plastic bottles’ policy as our contribution in environmental protection program,” aniya.

Kabuuang 16 koponan – kabilang ang bagong koponan na Assumption Antipolo -- ang sasabak sa iba’t ibang sports, tampok ang basketball at volleyball sa first semester

“Ang amin pong advocacy ay sports development pero focus and priority pa rin ang aral kaya weekend lang ang schedules n gaming mga games. Lahat ng school member ay hist kasi home and away ang gagawin naming since hindi pa available ang Rizal Memorial Stadium,” pahayag ni WNCAA president Yolanda Co ng CKSC.

-Edwin Rollon