DALAWANG buwan patungo sa 30th Asian Games, isang pagbabago na susukat sa kahandaan ng mga sports officials.

Sa panayam ng media nitong Miyerkoles, ipinahayag ni PHISGOC Chairman at Rep Allan Peter Cayetano, ang pag-overtake ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa administrative work ni Ramon ‘Tatz’ Suzara.

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa New Clark City at satellite venues sa Subic, Batangas, Tagaytay City, Mandaluyong at Manila.

Sinabi ni House Speaker at PHISGOC chairman Allan Peter Cayetano ang kompirmasyon sa isang panayam na etsapuwera na si Suzara bilangh CEO ng PHISGOC.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nag-take over para sa gawain ang Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman William Ramirez

Sinabi ni Cayetano na ang isang gaya ni Philippine sports Commission (PSC) chairman at Team Philippines Chef de Mission na si William Ramirez ang mangunguna sa bagong grupo na mamahala sa pang araw-araw na preparasyon para sa nasabing biennial meet hanggang sa matapos na ang labanan.

“Nandoon na tayo sa day-to-day operations. But the partnership of the POC (Philippine Olympic Committee) PSC, and PHISGOC will continue,” ayon kay Cayetano.

Itinanggi din ni Cayetano na nagbitiw sa kanyang tungkulin si Suzara o tinanggal ito, nais lamang umano niya na masiguro na matutukan ang paghahanda para sa hosting ng 11- nation meet.

“ We are just reassessing the role of every single person, especially given na yung iba natin sports leaders, may commitment abroad, like Mr. Suzara, yung sa Olympics,” aniya..

Kamakailan ay nagbigay ng pahayag ang Palasyo ng Malacanang hinggil sa diumano’y kurapsyon sa loob ng PHISGOC ngunit mariin naman na pinabulaanan ito ng kampo ni Cayetano.

-Annie Abad