TAMPOK na panauhin si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘ B a h a m ’ Mitra sa 40th “Usapang Sports” ng T a b l o i d s Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros.

tops logo

Ilalahad ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressman, ang paghahanda at development sa gaganaping 1st Philippine Professional Sports Summit na nakatakda sa Sept. 24-25 sa Philippine Internat ional C o n v e n t i o n Center.

Makakasama ni Mitra sa l i n g g u h a n g sports forum ganap na 10:00 ng umaga at itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, sina triathlon champion Marie Claire Adorna at Pingpong protégée AJ Villena.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sadsad sa pagsasanay si Adorna para sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre at bahagi ng kanyang paghahanda ang paglahok sa World Beach Games sa Doha, Qatar at Asian Cup sa Jordan sa Oktubre.

Ang 14-anyos na si Villena ay muling kakatawanin ang bansa sa World Pingpong Championship sa Londo.

Hiniling ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang pakikiisa ng sporting community, gayundin ang mga opisyal at miyembro sa Usapan na mapapanood din ng live sa Facebook sa pamamagitan ng Glitter Livestream.