HULING halakhak sa Caloocan Saints.

IPINAGKALOOB nina CBA founder Carlo Maceda at finance chief Darlyn Maceda ang tropeo at cash prize sa Caloocan Saints matapos tanghaling kampeon sa CBA Under-18 basketball tournament

IPINAGKALOOB nina CBA founder Carlo Maceda at finance chief Darlyn
Maceda ang tropeo at cash prize sa Caloocan Saints matapos tanghaling
kampeon sa CBA Under-18 basketball tournament

Matapos maipuwersa ang ‘do-or-die’, walang sinayang na sandali ang Caloocan Saints para gibain ang Binangonan Spartans, 88-73, nitong weekend para tanghaling unang kampeon sa 2019 Community Basketball Association (CBA)-Pilipinas Next 18-under.

Hataw sina Jolo Sumagaysay at John Sheric Estrada sa krusyal na sandal para mawalis ang best-of-three series matapos mabigo sa Game 1 sa dinumog na Imus Coliseum sa Barangay Mariano Espeleta ll sa Cavite.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kumubra si Sumagaysay, tinanghal na Most Valuable Player, sa naitumpok na 20 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Estrada ng 19 puntos, pitong assists at pitong rebounds sa community-based league na inorganisa ni CBA founding president Carlo Maceda, sa pakikipagtulungan ng TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports).

Kumubra si Drick Acosta ng 17 puntos at 10 rebounds; habang kumasa si Jhimwell River ng 12 puntos at walong assists para sa koponan na pinangangasiwaan nina team manager Rinbert Galarde at Elven Uy at coach Mark Ballesteros.

Nanguna si Valentine Mechilina sa Spartans na may game-high 28 puntos mula sa 12-of-20 shooting, habang umiskor si Game 1 hero Reynald Yante ng 14 puntos at apat na assists.

Nakauna ang Binangonan nang pabagsakin ang Caloocan, 76-72, sa Game 1 na ginanap sa kanilang teritoryo nitong Aug. 31, ngunit nakabawi ang Saints sa 95-83 panalo sa Game 2 sa Bacoor, Cavite.

Ipinagkaloob nina Maceda at PBA legend EJ Feihl ang tropeo at cash prize na P200,000 sa Caloocan.

Ikinasiya naman nina Binangonan Mayor Cesar Ynares at administrator Russel Ynares ang kaganapan sa kabila ng kabiguan ng koponan.

“It was a well-played finals and we cogratulate the CBA and the two teams. -- Caloocan and Binangonan. To the 18-under champs Saints, you will continue to inspire us to get better and improve. You guys will always have our respect,” pahayag ni Ynares.

Iskor:

Caloocan Saints (88) - Sumagaysay 20, Estrada 19, Acosta 17, Rivera 12, Cruz 10, Llaban 7, Ricasio 3, Nieles 0, Dagatan 0, Penaga 0.

Binangonan Spartans (73) - Mechilina 28, Yante 14, Villaluna 10, Pearson 9, Angeles 3, Villarin 2, Olouina 2, Dela Cruz 2, Larayos 2, Kiangan 1, Junio 0.

Quarterscores: 24-11, 41-30, 66-53, 88-73.