TAMPOK ang mga talenbtadong batang footballers sa gaganaping NCRFA’s Manila Youth Football League (MY Football League) simula sa Sabado (Sept. 21) sa The British School Manila sa Taguig.

foo

Kabuuang 50 koponan, kabilang ang The British School Manila, Makati Football Club, De La Salle Zobel, Tanauan, Atheltico Diliman, G8, Manila Japanese Football Club, Tulay sa Don Bosco, Angono Rizal at RAYA FC ang makikilahok sa pinakamalaking grassroots sports program sa football.

Sa ayuda ng FIFA Grassroots, ang NCRFA League ay dinesenyo para makalikha ng programa para maiangat ang sports sa kabataang Pinoy.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Isinulong ang programa ng mag-amang Tomas at SeLu Lozano ng Makati FC na mas misyon na palaganapin ang football sa bansa.

Sa nakalipas na 37 taon, ipinadadala ni Tomas Lozano ang Makati FC para katawanin ang bansa sa Gothia Cup sa Sweden. Sa pamamagitan ng NCRFA, target nitong mapataas ang level ng youth tournament sa bansa.

“We see how the grassroots have developed in the Philippines through the years and rebranding NCRFA to Manila Youth Football League amplifies our thrust of growing the game,“ pahayag ni Tomas Lozano.

“We hope that through Manila Youth Football League we will be able to bring together as many people as we can. People from all walks of life through the sport that we all love,“ aniya.

Bukod sa Gothia Cup, naimbitahan din ang Makati FC sa Paris World Games nitong Hulyo.

“This gave the club the inspiration to create Manila Youth Football League, rebrand of their existing NCRFA,” sambit ni Tomas Lozano.