TULUYAN nang namaalam ang karakter nina Maricel Soriano (Isabel) at Arjo Atayde (Elai) sa teleseryeng The General’s Daughter nitong Huwebes at trending ang eksenang iyon na halos lahat ay nakiiyak kay Angel Locsin sa pagkamatay nang dalawang taong sa simula palang ay ipinagkatiwala niya ang buhay niya.

angel at maricel

Nagsimulang mag-trending si Elai sa eksenang nasa ospital siya kung saan isinugod ang nanang (Maricel) at papang (Emilio Garcia) dahil nabaril at sinabihan niyang, “bawal matulog, eh.”

Kung ang mga nakatutok sa TGD ay namamaga ang mga mata sa kaiiyak base na rin sa mga post nila sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

E, di mas lalo na si Angel Locsin as Rhian Bonifacio na simula Enero ng taong ito ay kasama na niya sina Maricel at Arjo kaya naman nag-post siya nu’ng Huwebes sa anyang Instagram na abut-abot ang pasalamat niya sa dalawang karakter na bumuo ng kuwento ng The General’s Daughter

B a s e s a p o s t n g a k t r e s , “Hirap akong i s u l a t to kasi ayokong magpaalam (sad emoji). “Inay Marya, thank you, thank you, thank you. I’m forever grateful for the honor to have worked with you. Hindi po mabubuo ang pagka-artista ko kung hindi po ako nabigyan ng opportunity na maka-trabaho ang nag-iisang “Diamond Star” (na ayaw n’ya hong itawag sa kanya kasi ganu’n po siya ka-humble. Kahit ang dami na n’yang napatunayan, gusto pa rin n’ya ay pantay-pantay tayong lahat.)

“She’s also very sweet and thoughtful. Lagi akong may gift from her na magagamit ko sa taping. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa kindness na pinakita n’ya sa ‘kin. “Arjo, since day 1, I already know that we’ll get along really well. Despite having the hardest role in TGD in my opinion, it’s amazing how you can switch from being Arjo na makulit, masarap kausap. “Yung tawa lang tayo ng tawa pag may mga nangyayaring “eksenahan” off-cam habang blocking, he he he.

“To Elai na obviously, ibang-iba sa personality mo in seconds, I have so much respect and admiration sa’yo, bro. Paulit-ulit kitang pasasalamatan. Pasensya na kung hindi ko pa binubuksan ‘yung message mo sa ‘kin kasi hindi ko pa kayang mag-let go.

“Maraming salamat sa napakahusay na pag-ganap kay Nanang Isabelle at Elai. Nasa puso namin kayo hanggang dulo.” #TGDPamamaalam

Hindi lang naman din ang manonood at si Angel ang nahirapang mag-let go sa karakter nila maging sina Marya at Arjo ay sobrang nalungkot din pero ganu’n talaga ang lahat ay may katapusan.

May post si Arjo sa kanyang Twitter tungkol sa eksenang tumatakas sila ni Maricel hanggang sa mapatay sila ni Tirso Cruz lll as Heneral Tiago, “this is insane.”

Hmm, curious lang kami bakit wala kaming nakitang naka-post na ratings game sa dalawang huling gabing eksena nina Elai at Nanang Isabel?

Anyway, ang Bagman 2 digital series naman ang pinagkaka-abalahan ngayon ni Arjo na mapapanood sa iWant handog ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

-Reggee Bonoan