MATAPOS ang matagumpay na GM Rosendo C. Balinas Memorial Cup at National Women’s Chess Championship, isa na namang kapana-panabik na chess tournament ang susulong, sa pangangasiwa ng isa ring chess icon na si GM Eugene Torre.

Ipinahayag ng Asia’s first chess Grandmaster, kasama si Rudy Ibanez ang isusulong na Professional Chess Trainers’ Association of the Philippines (PCTAP) Chess Festival sa Setyembre 21-22 sa Barangay Bangkal covered court sa Makati City.

Ang naturang chess competition ay tatawaging “One Bangkal United Chess Fest w/ PCTAP.

“Napapanahon ang pagsulong ng mga ganitong tournaments para lalo pang pasikatin ang chess sa buong bansa,” pahayag ni Torre sa TOPS “Usapang Sports” nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Katatapos lang ng Balinas Cup, na itinaguyod ng private sector sa pamamagitan ng Balinas family at National Women’s Championship, na sinuportahan ng gobyerno sa pamamagitan ng PSC. Ngayon naman itong One Bangkal chess tournament. Maganda ito para sa ating mga kababayan na mahilig sa chess,” sabi pa ni Torre, na dumalo sa linguhang sports forum kasama ni Ibanez.

Ipinahayag ni Torre ang kasiyahan na patuloy na itinataguyog ng private at government sector ang chess, na kung saan siya nakilala matapos maging kauna-unahang GM sa Asya noong 1974.

“Sabi nga, ang chess ay isang mental game. Malaki ang naitutulong nito sa kalusugan at maiwasan ang anumang sakit sa pag-iisip. Kaya maglaro tayo ng chess,” dugtong pa ni Torre, na makailang ulit na ding nakadalo sa forum na itinataguyong ng PSC, NPC, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabao Tea Leaf Drinks.

Sa One Bangkal United, may mga nakahaing cash prizes sa mga mananalo, gaya ng: champion-P2,500 at trophy; second placer P1,500; third placer P1,000; fourth placer P700; fifth placer P500. at sixth hanggang 10th placer P300 bawat isa.

Ang naturang kumpetisyon ay sinusuportahan din ng Barangay Bangkal , sa pangunguna ni Chairman Mario. Sa mga katanungan, tumawag kay Rudy sa mobile 0919 358 04 44 at Miles: 0942 045 85 44